GMA Logo GMA News TV movies
What's Hot

'My Valentine Girls' ni Richard Gutierrez, tampok ngayong weekend sa GTV

By Marah Ruiz
Published April 23, 2021 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

GMA News TV movies


Kabilang sa mga pelikulang mapapanood ngayong weekend sa GTV ang 'My Valentine Girls' ni Richard Gutierrez.

Hindi lang isa, kundi tatlong magkakaibang love stories ang mapapanood sa anthology film na 'My Valentine Girls.'


Pinagbidahan ito ni Richard Gutierrez at kasama pa niya ang mga bigating artista tulad nina Eugene Domingo, Rhian Ramos, Lovi Poe, at Solenn Heussaff.

Huwag itong palampasin sa April 24 sa Sine Date Weekends, 11:00 am.

Balikan naman ang unang installment ng Enteng Kabisote film franchise sa 2004 fantasy comedy film na 'Enteng Kabisote: OK Ka Fairy Ko... The Legend' sa Afternoon Movie Break, 2:00 pm.

Kakaibang horror film naman ang matutunghayan sa 'T'yanak,' 6:15 pm sa Saturday Cinema Hits.

Tampok dito si Judy Ann Santos bilang isang babaeng nais magkaroon ng anak. Nang makapulot siya ng abandonadong bata, poprotektahan niya ito kahit isa pa itong tiyanak.

Sa April 25 naman, huwag palamapasin ang 'Walang iwanan... Peksman!' nina Jinggoy Estrada at Judy Ann Santos sa Afternoon Movie Break, 2:00 pm.

Susundan ito ng 'Bigkis,' 4:00 pm. Isa itong drama film na tungkol sa mga kaganapan sa isang public maternity hospital tampok sina Lauren Young at LJ Reyes.

Huwag din palampasin ang comedy film na 'Father Figures' sa The Big Picture, 9:20 pm. Tampok dito sina Owen Wilson at Ed Helms bilang magkapatid na hinahanap ang kanilang tunay na ama.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.