
May bagong singing competition na dapat abangan ngayong 2021 sa GMA Network.
Ang Sing For Hearts ay isang musical matchmaking competition na layuning mahanap ang next Kapuso singing duo.
Sa newest singing competition ng GMA Network, hahanapin ang mga bagong iidolohin na singers na kayang magpakilig with their looks and voice.
Mapapanood sa Sing For Hearts bilang hosts ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young.
Photo source: @mikaeldaez
Kasama rin sina Mark Bautista, Rita Daniela, Ken Chan, at Kean Cipriano bilang mga judge ng programa.
Photo source: @iammarkbautista/ @akosikenchan/ @kean
Magsisimula ang Sing For Hearts ngayong June 13 sa GMA Network.
Sa mga nais sumali sa Sing For Hearts, open ang online audition hanggang April 30.
RELATED CONTENT:
Sing For Hearts: Auditions are extended | Teaser