GMA Logo Aiko Melendez and Marian Rivera
What's Hot

Aiko Melendez to Marian Rivera: "Parang wala kang anggulo na pangit"

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 30, 2021 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez and Marian Rivera


"Sandali, tatanungin ko 'yung asawa ko, a," replied Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Tuwang tuwa ang batikang aktres na si Aiko Melendez nang ma-interview niya ang kanyang idolo na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Kuwento ni Aiko sa simula ng kanyang vlog, minsan lang siya mag-blush tuwing may ma-i-interview o may makakasalamuha siyang kapwa artista at isa na rito si Marian.

Saad ni Aiko, "I'm so, so excited to a point na nagba-blush ako kasi alam naman natin lahat na I'm very, very vocal na sa talang buhay ko bilang artista, dalawang beses na akong na-starstruck."

"Isang beses kay Ms. Maricel Soriano; pangalawan, dito sa i-interviewhin ko, Ms. Marian Rivera-Dantes."

Kinumusta ni Aiko si Marian pagkatapos nitong mag-taping para sa drama-anthology show na Tadhana.

Sagot ni Marian, "Naka-adjust na kami kahit papaano 'tsaka very thankful din ako dahil 'yung mga trabaho ko, nagagawa ko rito sa bahay.

"At very thankful din ako na 'yung asawa ko 'yung nagdi-direct sa akin, siya yung gumagawa nung mga dapat kong gawin outside."

Ngayong sa bahay lang nagtatrabaho si Marian, si Dingdong ang nagsisilbing direktor ng Tadhana na mapapanood tuwing Sabado, 3:15 p.m.

"Siyempre happy din ako na nandtio ako, kasama ko 'yung mga anak ko pero siyempre may mga sad part pa rin na pinagdadaanan natin 'to, tapos sila nanay sa Cavite naka-ECQ, hindi makapunta sa bahay.

"Sabi ko nga, sana matapos na talaga ['yung pandemya.]"

Aminado si Aiko na avid follower siya ng social media accounts ni Marian kaya naman updated ito sa buhay ni Marian at ng kanyang pamilya.

Hindi tuloy mapigilan ni Aiko na mag-fan girl habang nag-uusap sila ni Marian.

Tanong ni Aiko, "Marian, I'm just curious, a. Like I've said, I've been very vocal, is there any day na pangit ka? Parang wala kang anggulo na pangit."

Pabiro naman ni Marian, "Sandali, ha, tatanungin ko 'yung asawa ko, ah. Tatanungin natin mamaya, tawagin ko."

Panoorin ang nakakatuwang panayam ni Aiko kay Marian dito:

Samantala, tingnan ang quarantine life nina Marian at ng kanyang pamilya DITO: