
Nakiusap ang pambato ng Pilipinas sa 2020 Miss Universe pageant na si Rabiya Mateo na tigilan na ang pamba-bash para sa kapwa niya kandidata, lalong lalo na kay Miss Canada Nova Stevens.
Noong May 5, nag-post si Nova sa kanyang Instagram account ng ilang screenshots ng mga Tagalog na racial slurs na sinabi sa kanya.
Parehong South Sudanese ang magulang ni Nova at ipinanganak siya sa Kenya.
Noong anim na taong gulang siya ay ipinadala siya sa Canada upang magkaroon ng mas maayos na buhay.
Dahil sa mga nangyari, kinausap na nang personal ni Rabiya si Maya upang humingi ng tawad.
"I really feel sorry to her 'cause nobody deserves to be in that position," kuwento ni Rabiya sa isang virtual press conference.
"I've been bashed, you know? And there was a moment in which a lot of people would tell me, 'That's normal. You're a beauty queen.'
"But I've seen how it affected not just me, but also other candidates."
Bukod kay Miss Canada, humingi na rin ng tawad si Rabiya kay Miss Thailand Amanda Obdam, na nakakatanggap rin ng mga masasakit na mensahe.
Pangako ni Rabiya, may ginagawa silang video ng Miss Universe Organization upang matigil na ang pamba-bash sa mga kapwa niya kandidata.
"Me and the organization is trying to make a video to make an appeal to the public to stop being rude because it cost nothing to be kind."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Gaganapin sa May 17 (Philippine time) ang Miss Universe 2020 pageant sa Hollywood, Florida.
Bago ang coronation night, balikan ang naging Miss Universe journey ni Rabiya Mateo sa gallery na ito: