GMA Logo sb19 on all out sundays
What's Hot

SB19, nagpasalamat sa fans para sa Billboard Music Awards nomination

By Bianca Geli
Published May 10, 2021 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

sb19 on all out sundays


Malaki ang pasasalamat ng SB19 sa kanilang fans, na tinaguriang A'TIN, dahil sa nominasyon nila sa Billboard Music Awards

Mula sa kanilang unang pagsabak sa music scene noong 2016, malayo na ang narating ng Pinoy pop band na SB19, na kinabibilangan nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin.

Simula nang maging patok ang kanilang 2019 hit single na "Go Up" ay tuluy-tuloy na ang pagdating ng tagumpay, na matagal nilang hinintay.

Kahit na may pandemya, nakatanggap pa rin sila ng mga parangal katulad ng pagiging unang Pinoy group na nakasama sa Billboard's Next Big Sound Chart at unang SouthEast Asian act sa Billboard Top 10 Social 50.

Nitong nakaraang May 9, naging trending ang performance ng SB19 para sa Mother's Day special ng All-Out Sundays.

Bungad ng All-Out Sundays host na si Christian Bautista, "Nakakaproud bilang Pilipino na naabot nila ang Billboard Music Awards."

Nagpahayag ng pasasalamat ang miyembro na si Stell, para sa kanilang mga fans o A'TIN's, na masugid na bumoboto at nanonood sa kanila online.

Aniya, "Siyempre po, hindi namin makakalimutan ang aming pinakamamahal na A'TIN's.

"Sila ang susi sa tagumpay namin. Kung saan man kami makapunta, kasama namin sila.

"Kahit ano pa man ang mangyari basta masaya kami kasi tagumpay naming lahat ito.

Iba ang galing ng Pinoy! Congratulations SB19 sa nomination niyo bilang top social artist sa Billboard Music Awards 2021 #AOSMommyDay

Posted by All-Out Sundays on Saturday, May 8, 2021

Panoorin ang kanilang All-Out Sundays performance:

Tingnan ang humble beginning ng SB19 dito:

Panoorin ang ulat mula sa 24 Oras: