GMA Logo John Feir
What's Hot

Comedian na si John Feir, proud sa dating trabaho bilang staff ng fast food chain

By Aedrianne Acar
Published May 11, 2021 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

John Feir


Patrick, hindi love ang hotdog kundi fried chicken pala? Alamin ang dating trabaho ng Kapuso comedian na si John Feir bago naging artista.

Nakaka-inspire ang ibinahaging throwback photo ng Pepito Manaloto star na si John Feir sa Instagram, kung saan ipinasilip niya ang dati niya naging trabaho.

Bago natin siya minahal bilang Patrick, ang trusted BFF ni Pepito (Michael V.) at mortal enemy ni Baby (Mosang), alam n'yo ba naging staff siya ng isang sikat na international fast food chain noong '90s.

A post shared by john feir (@johnfeir17)

Isang netizen ang napa-comment sa throwback photo ni John at natutuwa raw ito na ang dating empleyado sa isang fast food restaurant ay isa nang sikat na comedy actor.

Tugon naman ni John, “Salamat po. 'Di naman ako sikat pinagkalooban lang ng Diyos ng konting grasya para mapasaya ang tao.”

Pinusuan din ng co-star niyang si Manilyn Reynes ang “good vibes” post niya tungkol sa dating trabaho.

Bukod kay John Feir, dati rin nagtrabaho bilang working student sa isang fast food chain ang OPM singer na si Ronnie Liang.

Alamin ang mga dating trabaho ng ilan sa mga sikat na celebrity bago sila nakilala sa gallery below.