
Ikinuwento kamakailan ng preacher at life coach na si Bro. Bo Sanchez sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' (KMJS) kung paano nilabanan ng buong pamilya niya and COVID-19.
Bukod kay Bro. Bo, tinamaan din ng COVID-19 ang kanyang asawa at ang kanilang dalawang anak.
At sa kanilang compound ay labing-apat lahat ang tinamaan ng COVID.
Ang COVID-19 survivor na si Bro. Bo Sanchez / Source: KMJS
Ayon kay Bro. Bo hindi sila sigurado kung paano nila nakuha ang sakit.
Pero ang hinala nila ay maaaring na-expose sa COVID-19 and dalawang tao sa kanilang compound na araw-araw pumapasok sa trabaho.
Naging mahirap daw ang karanasan nila dahil nga lahat sila ay tinamaan ng kinatatakitang sakit.
Kuwento ni Bro. Bo kinailangan pa ring kumilos ng kanyang misis kahit may sakit ito upang alagaan sila.
“Problema ng misis ko nagkalagnat siya but she had to care of all of us. But she was able to do it.
“Ang pag-ibig talaga it sustains you.”
Ang pamilya ni Bro. Bo Sanchez / Source: KMJS
Sa kanilang apat sa pamilya, si Bro. Bo ang pinakanaapektuhan ng COVID-19.
“First day, second day, parang slight fever lang. (Sabi ko) 'Ah kayang-kaya ko 'to.'
“But then on the third day, nagkaroon ako ng diarrhea.
“It became worse and worse na hindi lang ako pumupunta sa banyo, sumusuka pa ko.
“Siguro mga dalawampung beses ako pumupunta sa banyo sa isang araw.”
Bukod pa sa diarrhea ay nakaranas din siya ng ibang matinding sintomas ng COVID-19.
“After a while, hard of breathing. I actually needed oxygen. That was really hard.”
“Parang there's this part of your lungs na hindi umaabot 'yung oxygen.”
Sa sobrang lala nga raw ng sintomas niya ay naging mas mababa sa 89 ang kayang oxygen level.
Sinabi ng doktor na medyo nasa kritikal na siyang kalagayan at binalaang ang COVID ay traydor na sakit.
Ani Bro. Bo,” I was like staring at the door of death emotionally.”
Sa isang punto ay napatanong na raw siya sa Panginoon kung malapit na ang kanyang katapusan.
“Lord, ito na ba? Ito na ba 'yung kukunin mo na ako?'
“I actually surrendered my life to God.”
Ilan sa mga post ni Bro. Bo sa social media noong nagkaroon siya ng COVID-19 / Source: KMJS
Noong lumala ang kanyang kalagayan ay tuluyan na nga raw niyang ipinaubaya sa Diyos ang kanyang buhay, at doon daw tila gumaan ang kanyang pakiramdam.
“This was very unexpected. Nawala lahat ng takot ko. Napuno ako ng kapayapaan.
“It was very, very powerful.”
Pagkatapos raw noon ay nagtuloy-tuloy na ang paggaling ni Bro. Bo.
“On the 20th day, sinabi ng doktor 'O, hindi mo na kailangan ng oxygen. You're on your way to recovery.'
“Hay salamat sa Diyos!”
Sa ngayon, COVID-free na si Bro. Bo at ang kanyang buong pamilya.
Sabi niya nagpapasalamat siya na pinagdaaanan niya ang pagsaubok na 'yon, dahil tila nagbagong-buhay daw siya.
“Today I have more, so much peace in my heart. I'm more relaxed. I'm more trusting in God.”
Alamin kung paano nilabanan ni Bro Bo. ang kanyang adiksyon noon sa pornograpiya at kung bakit naisip niyang magturo ng financial literacy sa KMJS video sa ibaba.
Para sa iba pang nakaka-inspire na kuwento tulad nito, manood ng 'KMJS' tuwing Linggo, 8:40 PM sa GMA-7.
And for more lifestyle content, head out to GMA's Lifestyle page.
Alamin kung sinu-sino pang celebrities ang naka-recover mula sa COVID-19 sa gallery na ito.