GMA Logo Dave Bornea
What's Hot

Dave Bornea, nagkuwento sa experience niya nang makatanggap ng indecent proposal

By Aedrianne Acar
Published May 17, 2021 10:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Dave Bornea


Kapuso hottie Dave Bornea inalala ang naging karanasan niya nang makatanggap ng indecent proposal. Na-offend ba siya nang may gumawa nito noon sa kanya?

Tawag pansin hindi lamang dance skills pati na rin ang hot body ng Babawiin Ko Ang Lahat star na si Dave Bornea sa patok niyang TikTok videos.

Babawiin Ko Ang Lahat finale media conference last May 14

Inusisa ng entertainment writer na si Rommel Gonzales si Dave tungkol sa mga videos niya online sa idinaos na media conference para sa finale ng Babawiin Ko Ang Lahat noong Biyernes, May 14.

Ayon sa Kapuso hottie, nakakataba raw ng puso na maraming nakaka-appreciate ng content niya sa TikTok.

Aniya, “So far po nakakatuwa naman po.

“Nagulat nga ako may mga page na naka-upload, tapos ang pangalan pa ng page 'Dave Bornea's updates'.”

“Tapos 'yung mga TikTok videos ko naka-upload doon mga recent TikTok videos ko, kaya nakakatuwa rin po, nakakataba naman po siya ng puso.”

Natanong din siya kung dumami ba ang nanligaw sa kanya after pumatok ang kanyang online content.

Natatawang tugon nito, “Wow ako ang nililigawan, ang pogi ko naman [laughs]”

Dagdag niya, “Admirers po, ligaw malabo po mangyari po 'yun, kasi, ewan ko hindi ko naman siya nararamdaman. Pero 'yung of course 'yung mga support and then 'yung mga naglo-love--nagkakagusto sa mga video ko nararamdaman ko naman.”

Natanong din si Dave ng entertainment writer kung nakatanggap na ba siya ng indecent proposal. Nag-open up naman ang Kapuso actor tungkol dito.

Saad niya, “Noong first time ko na-experience siya, of course parang too good to be true na mga ganyang offer na malalaki. Pero ako hindi ko siya masyado tinutuunan ng pansin kasi nga parang, para saan pa siya?

“And, of course hindi ko naman gaano kakilala 'yung mga nag-o-offer, hinahayaan ko lang siya, a-appreciate ko naman din sila.”

“'Yun nga parang I'm not into that kaya thank you na lang.”

Heto pa ang ilan sa celebrities nakatanggap ng indecent proposal at paano nila ito hinarap sa gallery below.