What's Hot

Pinay beauty queen at pageant fans, nagbigay reaksiyon sa Miss Universe 2020

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 18, 2021 10:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

miss universe 2020


Hindi man nauwi ni Rabiya Mateo ang korona, sinuportahan pa rin siya ng mga Pilipino, kabilang na ang kapwa niya beauty queens. Tingnan ang kanilang mga reaksyon dito:

Todo-todong suporta pa rin ang natanggap ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo mula sa mga Pilipino, kabilang na ang kapwa niya beauty queens sa kabila ng hindi niya pagpasok sa Top 10 ng Miss Universe 2020,

Si Miss Mexico Andrea Meza ang itinanghal na bagong Miss Universe. Ito ang ikatlong panalo ng kanyang bansa.

Active sa pagti-tweet sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Unvierse 2018 Catriona Gray mula simula hanggang matapos ang kumpetisyon.

Nang hindi tawagin ang pangalan ni Rabiya sa Top 10, nagpadala agad ng pagbati sina Pia at Catriona kay Rabiya.

Tweet ni Pia, "Rabiya you made us so proud! We know you put your heart into this and we love you! Mabuhay ang Pinay! #MissUniverse!"

Sulat naman ni Catriona sa isang tweet, "Woooow this year is intense!! Sending Rabiya all of our love! She made our country proud! 11 Year consecutive semi-streak Pilipinassss #MissUniverse."

Hindi lang sina Pia at Catriona ang mga beauty queen na nagpaabot ng suporta kay Rabiya dahil maging sina Janine Tugonon, Shamcey Supsup, at MJ Lastimosa ay tumungo sa Hollywood, Florida upang suportahan si Rabiya.

Samantala, natulala ang ina ni Rabiya na si Christine Mateo nang hindi tawagin ang kanyang anak sa Top 10 ng kumpetisyon.

Panoorin ang buong detalye sa report ni Nelson Canlas sa video sa itaas o panoorin dito.

Samantala, balikan muna ang naging paglalakbay ni Rabiya patungong Miss Universe: