GMA Logo connie sison and coney reyes
What's Hot

'Unang Hirit' host Connie Sison, nakaeksena noon ang veteran actress na si Coney Reyes

By Aedrianne Acar
Published May 20, 2021 10:52 AM PHT
Updated May 20, 2021 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

connie sison and coney reyes


Ano kaya ang naging linya ni Connie Sison nang makaeksena si Coney Reyes? Alamin dito:

Bukod sa magaling na news reporter at host ng GMA Network, alam n'yo ba na minsan napasabak sa pag-arte si Connie Sison.

At hindi basta-basta ang naka-eksena niya kundi ang veteran actress na si Coney Reyes.

Source: connie_sison (IG)

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Unang Hirit ang fun trivia tungkol kay Connie nang mapasama ito sa isang shoot kasama ang Love of My Life actress.

Ayon sa post, “CUTE STORY: Alam mo ba na nakapag-shoot na ng scene si Connie Sison kasama ang beteranong artista na si Coney Reyes?

“Ang kuwento ni Connie, nag-shoot daw sa kanilang bahay sina Coney Reyes.

"Hindi raw kasama sa original script si Connie, pero nang makita siya ng direktor, isinama siya sa scene bilang anak ng aktres!

“Isa lang ang linya ko diyan: Mommy, may kabit si Daddy!”

A post shared by Unang Hirit (@unanghirit)

Isa sa tinitingalang aktres sa local showbiz si Coney Reyes. Pero bukod sa pagiging mahusay na aktres, proud mommy din siya sa kanyang mga anak.

Kilalanin ang mga anak ng veteran TV and movie actress sa gallery na ito: