
Inamin nina Sofia Pablo at Allen Ansay na magsasama sila sa isang teleserye.
Sa pakikipagkuwentuhan nina Sofia at Allen sa GMANetwork.com at sa ilang miyembro ng Kapuso Brigade, hindi naitago nina Sofia at Allen ang saya nang ibalita nila ang kanilang sorpresa.
"Bawal pa po [sabihin 'yung ibang details,] pero meron, merong isa," saad ni Sofia.
Dagdag naman ni Allen, "Basta first time namin itong magsasama talaga ni Aki na lagi na kaming magkasama. Finally!"
Ayon kay Sofia, hindi muna nila sasabihin kung saang teleserye sila mapapanood pero dapat itong abangan ng mga tao.
Bukod kina Sofia at Allen, marami ding Kapuso love teams ang dapat abangan ngayong taon.
Kilalanin sila dito: