
Espesyal ang araw bukas, Linggo, May 23, dahil ika-11 anibersaryo ng paboritong Sunday infotainment show na AHA!
At dahil anniversary ay may inihandang exciting na pakulo ang programa na opisyal na ilulunsad sa araw na iyon.
Iyan ay walang iba kundi ang #AHAmazingLearning na kolaborasyon ng AHA! at ng sikat na social networking platform na TikTok PH.
Dito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga viewers na mahilig mag-TikTok na maipamalas ang kanilang galing sa pamamagitan ng paggawa ng educational videos na may haba na 30 to 45 seconds.
Ang mga short videos na ito ay maaaring nagbibigay ng bago at pambihirang kaalaman o kamangha-manghang experiment o 'di kaya ay masayang artwork tutorials na kagigiliwan ng lahat.
Siyempre huwag kalimutan na ilagay ang hashtag na #AHAmazingLearning sa bawat TikTok PH video na ia-upload.
Ang masuwerteng video na mapipili ay itatampok sa bagong episode ng AHA!
Bukod dito ay hihikayatin din ng programa ang mga manonood na i-follow ang TikTok account ng napiling content creator.
Nakapagbahagi ka na ng kaalaman, dumami pa ang TikTok followers mo - ang saya!
Ang #AHAmazingLearning ay tatakbo hanggang June 30, 2021.
Photo by: AHA!
Pero hindi lang 'yan ang dapat abangan sa special anniversary show ngayong Linggo.
Ipapakilala rin kasi ni host Drew Arellano ang bagong barkada ng team AHA!
Meet 'Tuklas,' ang official mascot ng show na sasamahan si Drew at mga manonood sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman, trivia, at impormasyon.
Photo by: AHA!
Game na game rin daw itong si Tuklas pagdating sa mga sayawan kaya huwag palampasin ang pagkakataong makilala siya.
Makisaya sa anniversary party ng AHA! ngayong May 23, 8:15 a.m., sa GMA.