
Nagbukas na ang first-ever pop-up store sa Pilipinas ng K-pop superstars na BTS sa SM Megamall sa Mandaluyong City, ngayong Sabado, May 29.
Ang store na binuo mula sa konsepto ng fourth studio album ng grupo, ang MAP OF THE SOUL: 7, at matatagpuan ito sa 3rd level ng Fashion Hall ng naturang mall.
Naglalaman ang pop-up store ng mahigit 400 products, kabilang na ang apparel, stickers, at TinyTAN items.
Dahil sa pandemic, mahigpit na ipatutupad ng organizers ang safety protocols para sa BTS fans o ARMY na bibisita sa lugar.
Bago pumunta sa store ay kailangan munang mag-register online at kapag naaprubahan ay bibigyan ang kada customer ng 30 minutes para mamili.
Batches of 30 lamang ang papasukin sa loon, maigting na ipatutupad ang social distancing, at ipinagbabawal din ang pag-aalis ng face mask at face shield.
Samantala, ini-release ng BTS ang newest single nilang Butter na nakapagtala ng limang Guinness World Records.
Ayon sa tala, 3.9 million viewers ang sabay-sabay na nanood ng Butter music video nang i-release ito, na pinakarami para sa isang music video at overall video sa YouTube. Nabasag din nila ang self-record na 3 million concurrent viewers para sa Dynamite.
Ang Butter din ang most-viewed music video in 24 hours para sa isang K-pop act. Kinilala rin ng Guiness ang kanilang sa dalawa pa nilang records, ang most-viewed music video sa YouTube at most-streamed track sa Spotify in first 24 hours mula nang release.
BTS to mark 8th anniversary with 2021 Muster Sowoozoo live streaming event
BTS to their Filipino fans: "We look forward to seeing you soon"