GMA Logo Alessandra de Rossi
What's Hot

Alessandra de Rossi, tinawag na 'toxic' ang social media

By Aedrianne Acar
Published May 31, 2021 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Alessandra de Rossi


Pareho din ba kayo ng nararamdaman ni Alessandra de Rossi, mga Kapuso?

Malaman ang mga tweet ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi tungkol sa "toxic environment" na napapansin niya sa social media.

Source msderossi IG

Sa post ng TV and movie star noong May 29, nami-miss niya ang panahon na maingat ang mga tao sa pagbibitaw ng masasakit ng salita sa kanilang kapwa.

Tweet ni Alessandra, “Ang toxic ng social media. Nakakamiss ang outside [world] kung saan natatakot magsabi ng nega sa personal ang isang taong di kakilala at baka makuyog ng barangay makalayas na nga.

“Mema/nega: 'Wag ka nang babalik! Di ka namin kailangan.

“Me: ikaw owner ng internet? Char!”

May pahabol pa siyang patutsada sa mga internet troll na tinawag niyang “mayabang” at “walang personality.”

“No, kahit walang bayad. Ang yayabang sa Internet. Puro lait, puro puna. In person naman, walang personality. Ano na?”

Source  msderossi TW

Heto ang ilan sa mga pinag-usapang mga reply ng celebrities kontra sa kanilang bashers online sa gallery below.