
Bumuhos ang pagmamahal ng mga tao para kay Jennica Garcia na nagbabalik showbiz matapos ang ilang taon.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jennica ang kanyang selfie na kuha mula sa lock-in taping ng teleseryeng Las Hermanas sa Clark, Pampanga.
Gagampanan ni Jennica ang karakter ni Brenda, ang karibal sa pagmamahal ni Dorothy, ang karakter na gagampanan naman ni Yasmien Kurdi.
"This is how my morning looks like ever since my lock-in taping in Pampanga started for GMA's Las Hermanas," sulat ni Jennica sa caption.
Sa comments section ng kanyang Instagram post, ipinakita ng kanyang mga tagahanga ang excitement nila sa pagbabalik showbiz ni Jennica.
Komento ng isa, "Wow...balik ulit sa pag arte keep on fighting and safe po."
Pinusuan ng netizens ang selfie ni Jennica Garcia mula sa lock-in taping ng 'Las Hermanas.'
Ang Las Hermanas ay pinagbibidahan ng isa pang nagbabalik Kapuso na si Albert Martinez, kasama sina Thea Tolentino at Faith da Silva. Abangan ang Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, narito ang iba pang mga artista na nagbalik Kapuso ngayong taon: