Showbiz News

Ruby Rodriguez, nilinaw ang rason ng pagpunta sa Amerika

By Aedrianne Acar

Nakakaantig ang naging panayam ng TV host-actress na si Ruby Rodriguez sa Chika Minute ngayong gabi, June 1, kung saan ibinahagi niya ang medical condition ng anak niyang si AJ.

Marami ang nagtaka kung bakit biglang umalis ng Pilipinas ang dating Eat Bulaga host at ngayon ay nagta-trabaho na siya sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.

Source: Chika Minute

Kuwento ni Ruby kay Lhar Santiago sa Chika Minute ay dapat April 2020 pa siya nasa Amerika.

Sinabi din ng celebrity mom ang rason kaya siya pumunta sa US ay para ipagamot ang anak niya na si AJ--nakatakdang lumipad ang asawa ni Ruby na si Mark at ang anak niya sa darating na Agosto.

Samantala, matagal ng nakabase ang isa niyang anak niya na si Toni Aquino sa Amerika na ngayon ay kapiling na niya.

Ayon kay Ruby, “Alam naman ng lahat na my son AJ, he's SPED, but he has medical problems also--meron siyang rare autoimmune [disease].

“'Yung sa rare autoimmune niya, kidneys niya kasi ang nadali. So, diyan sa Philippines na-biopsy na siya lahat, so he's being treated para hindi siya matransplant 'yun ang ina-avoid. So, dinala ko siya dito for medical purposes.”

May ginawa din paglilinaw si Ruby tungkol sa bago niyang trabaho sa LA.

Binigyan-diin ng magaling na comedienne, “I applied, I went to the proper channels. Hindi po ako appointed, I went through the proper channels, I gave my CV, I gave all the requirements. All their test, lahat! Para matanggap ako dito.”

'Owe My Love' finale

Sa mga nakakaramdam ng sepanx sa nalalapit na pagtatapos ng romcom series na Owe My Love, may mensahe si Nanay Coring sa mga aabangan na eksena sa kanilang finale.

Nakakataba daw ng puso ayon kay Ruby Rodriguez na maraming fans ang humihingi ng book two ng kanilang serye na pinagbibidahan nina Benjamin Alves at Lovi Poe.

Aniya, “Kailangan nila panoorin kung ano na mangyayari sa pamilya namin, which is very nice kasi ang dami namin DM na nakukuha na parang, 'please, please huwag niyo muna tapusin. Please, please mag-book two po kayo'.”

“And we'll see what happens.”

Samantala, heto ang ilan sa celebrities tulad ni Ruby Rodriguez na piniling lisanin ang showbiz at manirahan abroad sa gallery below.