GMA Logo Andrea Torres at John Lloyd Cruz
What's Hot

Andrea Torres, nagulat at natuwa sa balitang magtatambal sila ni John Lloyd Cruz

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 1, 2021 8:31 PM PHT
Updated June 2, 2021 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres at John Lloyd Cruz


Kung magkatotoo man, malaking karangalan para kay Andrea Torres ang makatrabaho si John Lloyd Cruz. Basahin ang detalye DITO:

Ipinaliwanag ng Kapuso actress na si Andrea Torres na wala pang kumpirmasyon ang balitang magsasama sila ng multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz sa isang sitcom.

Sa panayam ni Nelson Canlas kay Andrea sa 24 Oras, inamin ng isa sa mga bida ng Legal Wives na nagulat siya nang may biglang lumabas na balita tungkol sa pagsasama nila ni John Lloyd.

Saad ni Andrea, "Nagulat and siyempre natuwa kasi he's a brilliant actor at fan din ako niya.

"Sa mga interviews ko rin, lagi ko ring binabanggit na isa siya sa mga gusto kong makatrabaho.

"So if ever, malaking honor 'yun for me."

Kahapon, May 31, umugong ang balitang magpo-produce si Willie Revillame ng sitcom na pagbibidahan umano nina John Lloyd at Andrea dahil sa Instagram post ng beteranang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis.

"Bongga din si Willie Revillame, Salve. Mukhang siya ang magpo-produce ng sitcom nila John Lloyd Cruz at Andrea Torres," sulat ni Lolit sa caption.

"Kasi nga sila Willie at John Lloyd mukhang naging bff mula ng dumalaw ang aktor sa Puerto Galera property ng tv host. Nag bonding sila, nagpalitan siguro ng ideas, at heto, napag usapan ang isang sitcom para sa aktor."

Binanggit din ni Lolit na may posibilidad na ang beteranong direktor na si Bobot Mortiz ang magiging direktor ng nasabing sitcom.

"Maganda ang project at sanay na mag produce si Willie sa tv production, nandiyan si Bobot Mortiz kaya palagay ko wala ng hitch sa nasabing sitcom.

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Samantala, tuloy na tuloy na ang showbiz comeback ni John Lloyd sa June 6, kung saan mapapanood siya sa big event ng isang e-commerce platform sa GMA Network.