GMA Logo luis manzano
What's Hot

Luis Manzano, inalok mag-host ng 'StarStruck' noon?

By Aedrianne Acar
Published June 3, 2021 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

luis manzano


Isang trivia tungkol sa kanyang hosting career ang inilahad ni Luis Manzano sa kanyang "Who Knows Me Better" vlog.

Inamin ni Luis Manzano na inalok siya noong mag-host ng reality-based artista search na StarStruck.

Sa kanyang vlog na "Whos Knows Me Better," kasama ang asawa niyang si Jessy Mendiola at BFF na si Alex Gonzaga, naikwento ni Luis na inoffer sa kanya ang pagho-host ng StarStruck noon.

Luis Manzano YT

Aniya, “Trivia! Alam n'yo ba dapat ako magho-host ng StarStruck?”

Kasunod nito ay ang pagbabalik-tanaw niya, "Yes! Ako 'yung unang-una. 'Yung time na 'yun, nung unang-una dapat, in-offer sa akin 'yun.

"Girlfriend ko nung time na 'yun was si Nancy.”

Ang tinutukoy ni Luis ay si Nancy Castiglione, ang kauna-unahang female hosts ng StarStruck na nagsimula noong 2003.

Naging host din siya ng StarStruck Season 5 noong 2010.

Samantala, si Dingdong Dantes naman ang co-host ni Nancy sa unang season ng programa. Nanatili rin siyang main host hanggang sa pinakahuling season ng StarStruck, kung saan nakasama niya si Jennylyn Mercado.

Panoorin ang bahagi ng vlog ni Luis:

Samantala, ikinasal sina Luis at Jessy noong February 2021 sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas.

Habang si Nancy ay nakabase na ngayon sa Canada kasama ang kanyang partner at tatlo nilang anak na sina Matteo, Joaquin, at Riley Brooke.