
Simula Biyernes, June 4, mapapanood nang libre ang full episodes ng dalawang well-loved Kapuso shows na Sahaya at Amaya sa Facebook page ng GMA Network.
Mula Biyernes hanggang Linggo, tuwing 3:00 pm, tig-10 episodes ng Sahaya at Amaya ang mapapanood.
Binigyang buhay nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang magkababatang Badjaw na sina Sahaya at Ahmad.
Mayroong matinding koneksyon sa dagat si Sahaya kaya naman magiging malapit siya sa mga isda at iba pang hayop sa tubig.
Sa kanyang pagdadalaga, mapapadpad si Sahaya sa Maynila kung saan kinailangan niyang baguhin ang kanyang kinagisnang pamumuhay.
Kumusta kaya ang magiging relasyon nina Sahaya at Ahmad ngayong naninirahan na sila sa magkaibang mundo?
Bukod kina Bianca at Miguel, narito pa ang mga bumida sa Sahaya na ipinalabas noong 2019:
Noong 2011, pinakilala ng GMA Network si Amaya na ginampanan ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Bilang anak ng isang datu, isang "binukot" o prinsesa na tinatago sa mga tao at hindi pwedeng tumapak sa lupa si Amaya.
Lingid sa kanyang kaalaman, ipinanganak siyang may kakambal na ahas pero itinago ito sa kanya ng kanyang amang si Datu Bugna.
Ano kaya ang magiging kapalaran ni Amaya? Ano ang kinalaman ng kanyang kakambal na ahas sa kanyang tadhana?
Tingnan ang mga larawang kuha noong kinukunan pa ang kauna-unahang epic-serye ng Pilipinas:
I-like at follow lang ang Facebook page ng GMA Network upang mapanood ang Sahaya, Amaya, at iba pang well-loved Kapuso shows.