
Ang Prima Donnas star na si Aiko Melendez ang bida sa bagong Wish Ko Lang episode ngayong Sabado na “Misis for Sale.”
Ito ang unang pagkakataong magiging guest star ang award-winning actress sa 'Wish Ko Lang,' at talagang kaabang-abang din ang role na kanyang gagampanan.
Sa kanyang first Wish Ko Lang episode, gaganap si Aiko bilang si Alice, isang “misis for sale.”
Sina Aiko Melendez at Marcus Madrigal sa “Misis for Sale” / Source: Wish Ko Lang
Isang larawan ng masayang mag-asawa sina Alice at Jerome (Marcus Madrigal).
Kakalipat lamang nila sa bahay na ipinamana kay Alice ng kanyang mga magulang.
Matamis at matiwasay ang kanilang pagsasama noong una, hanggang sa isa-isa nang nadiskubre ni Alice ang kalokohan ng kanyang mister.
Unang ikinagulat ni Alice na isinangla pala ng kanyang mister ang kanilang bahay, at ginaya pa nito ang kanyang pirma.
Isa sa mga eksena sa “Misis for Sale” episode nina Aiko Melendez at Marcus Madrigal / Source: Wish Ko Lang
Unti-unti na palang nababaon sa utang ang kanyang mister na si Jerome dahil sa hilig nito sa pagsasabong at pagpasok sa mga delikadong negosyo.
Lingid sa kaalaman ni Alice, may mas masasama pang pangyayari na darating sa buhay nila.
Nariyan ang minsan niyang nahuli ang kanyang asawa na nag-uwi ng ibang babae (Jenny Miller) sa kanilang pamamahay.
Sina Aiko Melendez at Jenny Miller sa 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang
At dahil nga sa pagkagipit ni Jerome ay nagawa na rin niyang pagnakawan si Alice.
Isang gabi, biglang may dudukot kay Alice na mga lalaki at hahalayin siya ng isa sa mga ito.
Ngunit hindi pa iyon ang pinakamalalang mangyayari kay Alice dahil may isang lihim siyang malalaman na talagang magbabago ng lahat.
Ang eksena ng panghahalay sa karakter ni Aiko Melendez / Source: Wish Ko Lang
Madidiskubre ni Alice na ginawa pala siyang pambayad utang ng kanyang asawa sa taong humalay sa kanya (Archie Adamos).
Kasama rin sa “Misis for Sale” episode ang aktor na si Topper Fabregas.
Alamin kung paano makakaahon mula sa bangungot na ito si Alice at kung paano siya tutulungan ng Fairy Godmother ng Bayan na magsimula muli.
Abangan ang “Misis for Sale” episode sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang isa pang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: