
Action-packed at fun-filled ang episode ngayong Sabado, June 5, ng Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96.
Makaka-one-on-one ni host Martin Javier si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa isang masayang usapan.
Babalikan ni Dingdong ang kanyang student days bilang miyembro ng San Beda Red Corps.
Ano kaya ang kuwento sa likod ng viral video ni Dingdong habang nagpe-perform kasama ang cheering squad ng San Beda?
Alam n'yo ba na bago naging star player ng Ginebra San Miguel sa PBA ay una munang nakilala si Scottie Thompson bilang isa sa mga top NCAA players?
Naglaro si Scottie Thompson para sa University of Perpetual Help at nanalo pa bilang Most Valuable Player (MVP) nung Season 90 nung 2014.
Kilalanin din siyempre ang mga future idols ng NCAA mula sa iba't-ibang eskuwelahan.
Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 ay mapapanood tuwing Linggo 5:05 p.m., Sabado 4:30 p.m., at Lunes hanggang Biyernes 2:45 p.m. sa GTV.
Maaaring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 via GMA Pinoy TV. Bumisita sa www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye.
Watch Dingdong Dantes performing as part of the San Beda cheering squad: