GMA Logo John Lloyd Cruz and Annette Gozon Valdes
What's Hot

John Lloyd Cruz, may mensahe kay GMA Pictures president Annette Gozon-Valdes

Published June 6, 2021 6:42 PM PHT
Updated June 6, 2021 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

John Lloyd Cruz and Annette Gozon Valdes


Isa sa mga taong naging instrumento sa muling paglabas sa telebisyon ni John Lloyd Cruz si GMA Pictures president Annette Gozon-Valdes. Ano nga ba ang mensahe ng aktor sa GMA executive matapos ang matagumpay niyang pagbabalik showbiz?

Naging successful ang unang pagsabak ni John Lloyd Cruz sa telebisyon matapos ang mahigit apat na taon.

Sa ginanap na live show ng mid-year sale ng isang shopping application, naging emosyonal ang aktor nang batiin n'ya kanyang mga tagahanga at nagpasalamat kay Wowowin host Willie Revillame.

A post shared by JLC_BEA4EVER (@jlc_bea4ever)

A post shared by JLC_BEA4EVER (@jlc_bea4ever)

Matatandaang naging instrumento ang Kapuso host sa pagbabalik ng aktor sa showbiz pagkatapos mag-usap ng dalawa sa Puerto Galera. Inilahad din ni Willie na isa sa mga dapat pasalamatan pa ng aktor ay si GMA Pictures President Annette Gozon-Valdes.

"Ba't wala ka dito ma'am?" Ang pabirong sambit ni John Lloyd.

"Hindi, d'yan ka lang. Kung pwede, kami ang pupunta sa 'yo. Pahinga ka muna, pahinga ka at magkikita rin tayo," ang seryosong sabi ng aktor.

Nito lamang Biyernes (June 4) kasi, nagpost ang GMA executive sa kanyang Facebook account kung saan nya idinitalye ang pingdaanang health crisis sa pagtatapos ng Mayo.

Gayunpaman, tulad ng sinabi ni Willie, nanunood ito sa kanilang live show at sumusuporta sa pagbabalik ng aktor sa showbiz.

Samantala, balikan dito ang naging buhay ni John Lloyd Cruz sa labas ng showbiz:

RELATED FEATURES:

Willie Revillame, magpo-produce ng sitcom nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres?

WATCH: John Lloyd Cruz, emosyonal na nagpasalamat kay Willie Revillame

John Llloyd Cruz, pang-primetime ang unang show sa GMA