
Nagbago na ang buhay ng batang si Reymark Mariano matapos mag-viral ang kuwento niya na ibinahagi ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Sa nasabing episode, inilahad ng 10 taong gulang na bata na taga Sultan Kudrat ang hirap na dinaranas niya sa pag-aaro at pagsasaka.
Gayunpaman, mayroon pa rin siyang isang munting hilig, ang makapaling muli ang kanyang ama na mahigit isang taon na niyang hindi nakikita.
Katulad ng maraming kabataan sa Pilipinas, nasabak sa pagtatrabaho ng maaga si Reymark.
Sa KMJS episode noong Mayo, marami ang nabahala sa sitwasyon ni Reymark.
Aniya, "Wala na po kaming chance yumaman sa mundo, ang amin lang po, makakain ng tatlong beses sa isang araw. Mahirap po ma'am kung wala kang pera hindi ka makakain."
"Hindi ko na po kaya, tulungan n'yo po ako. Maliit pa lang ako, ganito na trabaho ko."
Dumagsa ang tulong para kay Reymark, kaya naman naisipan din nitong ipamahagi ang mga natanggap na donasyon sa mga kapwa niya mahihirap.
Tumigil na rin sa pag-aaro si Reymark, at naging madamdamin ang muli nilang pagkikita ng ina niyang si Analyn.
Ngunit sa kuwento ni Reymark, kulang pa rin ang kanyang pamilya dahil sa kanyang ama na may kasong illegal possession of firearms.
Kuwento ni Reymark, "Nagawa ko pong mag-araro dahil sa kanya, hindi niya gusto pero, ganoon talaga. Gusto ko sanang makasama siya."
March 2020 pa noong huling makita ni Reymark ang kaniyang ama na si Reneboy.
Magkita pa kaya muli si Reymark at ang kanyang ama?
Samantala, balikan ang ilan sa trending stories ng KMJS sa gallery na ito: