
Naintriga ang ilang netizens sa unang pasilip sa The World Between Us, ang teleseryeng pinagbibidahan nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.
Inilabas na kagabi, June 9, ang unang teaser ng The World Between Us kung saan maghahalikan na sana ang mga karakter nina Alden at Jasmine na sina Louie at Lia pero naudlot ito.
Rinig ang boses ni Louie na nagsasabing, "Abot kamay na kita, ganito na tayo kalapit sa isa't isa. Pero ba't ganun? Ba't parang napakalaki ng hadlang sa pagtatagpo ng ating mga puso?"
Sa comments section ng teaser ng The World Between Us, hindi na maitago ng ilan ang kanilang excitement sa pagbabalik telebabad nina Alden at Jasmine.
Komento ng isa, "Now that's intriguing."
Ang iba naman, humanga sa galing ni Asia's Multimedia Star.
"Grabehan talaga ang GMA! Daming bago! Yung mata talaga ni alden ang panlaban nya sa acting! Exciting to!"
Hinuhulaan rin ng iba kung ano ang magiging kuwento ng The World Between Us.
Hula ng isa, "Hmm the way Alden delivered his lines, and that retro transition, I think magkaiba sila ng timeline."
Abangan ang nalalapit na world premiere ng The World Between Us sa GMA ngayong July. Samantala, mapapanood rin ito sa ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.
Bago ang premiere ng The World Between Us, balikan muna ang nangyari sa unang lock-in taping ng show dito: