GMA Logo ruru madrid
What's Hot

Ruru Madrid, na-challenge sa kanyang tragic role sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published June 10, 2021 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid


Alamin kung paano ginampanan ni Ruru Madrid ang mapanghamong role sa 'Wish Ko Lang.'

Malapit nang mapanood si Kapuso star Ruru Madrid sa bagong serye na Lolong.

Ngunit bago 'yan, sumabak muna siya sa isang challenging role sa bagong Wish Ko Lang na mapapanood ngayong Sabado, June 12.

Sa "Sakripisyo" episode ng Wish Ko Lang, gaganap si Ruru bilang si Manny, isang mabait na teenager na mahaharap sa isang trahedya.

Poster ng 'Sakripisyo' episode ng bagong 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang (FB)

Mapagmahal na anak at apo sa kanyang Nanay Shirley (Alma Concepcion) at Lola Clarita (Chanda Romero) si Manny.

At mistulang si Manny na ang tumayong padre de pamilya simula nang maglaho ang kanyang ama.

Minsan nga, para lang matustusan ang kanilang pangangailangan ay hindi pumapasok sa paaralan si Manny.

At kahit mabuti naman itong anak ay minsan napagsasalitaan pa rin siya ng masakit ng kanyang ina kapag mababa ang mga grado niya.

Tila kay Manny naibabaling ng kanyang Nanay Shirley ang galit nito sa kanyang ama.

Sa kabila nito, tuloy lang sa pagsisikap si Manny para sa kanyang pamilya.

Ngunit isang araw, isang trahedya na kakaharapin ni Manny, na magbabago sa kanyang buhay.

Sa panyam ni Lhar Santiago kay Ruru, sinabi ng aktor na naantig siya sa kuwento ni Manny.

“Si Manny po ay isang batang talagang maraming pangarap sa buhay

“Gustong-gusto. niyang matulungan 'yung pamilya niya.

“Kaso may isang trahedyang nangyari sa kanya.”

Ikinuwento rin ni Ruru kung paano niya binigyang-buhay ang kanyang karakter.

“Ako, personally, as an actor, dahil 'yung role ko rin is kailangan ko pong maging teenager, I don't want it na maging the usual na atake na ginagawa ko.

“So, medyo iniba ko 'yung boses ko. Iniba ko 'yung the way ako kumilos, nuances, and naglagay ako ng ilang mannerisms.”

Sina Ruru Madrid, Angela Alarcon at Sassa Gurl sa 'Sakripisyo' episode / Source: Wish Ko Lang

Kasama rin niya sa "Sakripisyo" episode sina Chanda Romero, Alama Concepcion, Sue Prado, Matt Lozano, at ang internet sensation na si Sassa Gurl, na kilala rin sa bansag na Mima.

Abangan ang nakakaantig na kuwento ni Manny at kung ano ang magandang pagbabago na hatid ng Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Huwag palampasin ang "Sakripisyo" episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Alamin kung sino pa ang ibang mga online celebrities tulad ni Sassa Gurl na pumasok sa showbiz sa gallery na ito.