
Sensitibo at kontrobersyal ang kuwentong tampok sa "Biktima" episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, June 19. Tungkol ito sa isang dalaga na ginahasa ng hindi lamang isa, kundi tatlo sa kanyang mga kadugo.
Ang Prima Donnas star na si Elijah Alejo ang gaganap bilang ang dalagang si Beth.
Kadalasan isa sa pinakamasayang parte ng buhay ng isang babae ang pagdadalaga.
Ngunit para kay Beth, ito ang naging pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay.
Matinding takot, sakit, at trauma ang idinulot ng panghahalay na ginawa ng ama at lolo ni Beth sa kanya, kaya naman minsan ay naisip na niyang kitilin ang sariling buhay.
Ang tanging naging sandigan niya sa pagsubok na ito ay ang kanyang ina na si Lydia (Gelli de Belen) at ang kanyang kuya (Brent Valdez).
Ngunit ang hindi alam ni Beth, pati pala ang kanyang kuya magagawa rin siyang gahasain.
Talagang nakakalungkot ang nangyari kay Beth at pati cast ng 'Biktima' episode ay naapektuhan sa kanyang istorya.
“Mahirap 'yung role,” lahad ni Gelli de Belen. “Actually, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung ako 'yung nalagay sa sitwasyon nung nanay na nagahasa 'yung anak niya.”
agdag pa niya, “Hindi lang isang beses, dalawang beses, at pinagtangkaan pa, and not by strangers but people who are closest to her, to us.
“'Yung mga taong dapat nagpoprotekta, sila 'yung nag-harm.
“So, hindi ko ma-imagine kung ano 'yung pinagdaanan ni Nanay Lydia ng mga panahon na 'to.”
Samantala, naging challenging naman para kay Brent Valdez at Dentirx Ponce ang kanilang mga role dahil sa napaka-sensitibong tema ng 'Biktima' episode.
Ani Brent, “'Yung role ko, ito 'yung isa sa pinaka-challenging role na natanggap ko. Noong binabasa ko pa lang siya a few days ago, naapektuhan ako na parang sabi ko kung totoo man na nangyari 'to sa totoong buhay, at kung nangyari 'to sa sarili ko, sa pamilya ko, baka hindi ko kayanin.”
Sabi naman ni Dentrix, “Sobrang nalungkot ako na hindi ko ma-explain kung ano'ng mararamdaman ko.”
At para naman kay Kapuso actress na si Elijah Alejo, naramdaman niya ang bigat at sakit na dinadala ng kanyang karakter na isang rape victim.
“Napakabigat po talaga. Kung ako po 'yung makakaranas nun, for sure po sa sobrang parang nakaka-overwhelm po siya na hindi po alam kung ano'ng emotion 'yung uunahin mo.
“Kasi 'yung trust po na binigay mo po sa mga tao is sisirain po nila to the highest level.
So, talaga pong masakit. 'Yun po 'yung sasabihin ko, masakit. Kailangan po ng tissue 'pag pinanood.”
Alamin kung malalampasan ba ng dalagang si Beth ang bangungot na ito at paano sila tutulungan ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales.
Huwag palalampasin ang "Biktima" episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, als-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: