GMA Logo pokwang
What's Hot

Bagong Kapusong si Pokwang, mapapanood sa 19th anniversary ng 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published June 18, 2021 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Alamin kung ano'ng gagampanang role ng bagong Kapuso nating si Pokwang sa kanyang first 'Wish Ko Lang' episode.

Opisyal nang inanunsyo ngayong Biyernes, June 18, ng GMA Artist Center na Kapuso na ang aktres at TV host na si Pokwang.

At isa sa mga dapat abangan kay Pokwang sa GMA ay ang kanyang natatanging pagganap sa 19th anniversary episode ng bagong Wish Ko Lang na pinamagatang “Ang Forever ni Miss Virgie.”

Makakasama ni Pokwang sa nasabing 19th anniversary episode sina Jeric Gonzales, Arra San Agustin, Jennie Gabriel, at ang Sarah Geronimo look-alike actress and impersonator na si Bench Hipolito.

Isang dedicated Filipino teacher na nagngangalang Virgie ang gagampanang karakter ni Pokwang.

Sa sobrang busy ni Virgie sa kanyang propesyon ay hindi na siya nakapag-asawa, o sabi nga nila sa Ingles ay “married to her job.”

Kinalaunan ay magbubunga naman ang lahat ng pagsisikap ni Virgie dahil siya ay mapo-promote bilang school principal.

At sa 25th anniversary ng kanilang paaralan, makikita muli ni Virgie ang isa sa mga dati niyang estudyante na si Joshua (Jeric Gonzales).

Ang hindi alam ni Virgie, ang gwapo at heartthrob niyang dating estudyante ay mahuhulog ang loob sa kanya at magiging manliligaw niya.

Ngunit parang sa mga fairytale, mayroong kontrabida o hadlang sa kanilang love story: ang ex-girlfriend ni Joshua na si Pauline (Arra San Agustin), na dati ring estudyante ni Virgie.

Pero meron din namang kakampi si Virgie na papalakasin ang loob niya upang maipaglaban ang pagtitinginan nila ni Josh: ang Sarah Geronimo look-alike niyang kapatid na si Laida (Bench Hipolito).

Talagang kaabang-abang ang tila rom-com na first 'Wish Ko Lang' episode na pagbibidahan ng ating bagong Kapuso star na si Pokwang.

Ito ang first offering ng month-long 19th anniversary celebration ng bagong 'Wish Ko Lang.'

Bukod kay Pokwang, tampok din ang ilan sa mga bigating guest stars sa 19th anniversary ng bagong 'Wish Ko Lang,' tulad nina Christopher de Leon, Albert Martinez, Rhian Ramos, at Sanya Lopez.

Mapapanood ang 'Wish Ko Lang' episode ni Pokwang na “Ang Forever ni Miss Vergie” sa July 3, Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Mas kilalanin ang ating bagong Kapuso na si Pokwang sa gallery na ito.