GMA Logo Lie After Lie
What's Hot

Masisiwalat ang patong-patong na kasinungalingan sa seryeng 'Lie After Lie'

By Marah Ruiz
Published June 18, 2021 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Lie After Lie


Patong-patong na kasinungalingan ang masisiwalat sa surprise K-Drama hit ng 2020 na 'Lie After Lie.'

Paano mo mahahanap ang katotohanan kung nabuhay ka sa patong-patong na kasinungalingan?

Ito ang pipiliting sagutin ng surprise K-Drama hit ng 2020 na Lie After Lie.


Masisintensiyahan ng sampung taong pagkakakulong si Eunice (Lee Yoo-ri) matapos maakusahan ng pagpatay sa kanyang asawa.

Ilang buwan sa kanyang pagkakakulong, ipapanganak niya si Emma (Go Na-hee). Dahil nakakulong pa, ihahabilin muna niya ang bata sa kanyang mother-in-law na si Diana (Lee Il-hwa).

Samantala, ilalapit ni Eunice ang kaso niya sa investigative journalist na si Anthony (Yeon Jung-hoon). Umaasa kasi siyang mapapatunayan nito na may foul play at na-set up lang siya.

Pero bigla na lang mapuputol ang kanilang komunikasyon matapos ang ilang buwan.

Lilipas ang sampung taon at matatapos ni Eunice ang kanyang sintensiya. Agad niyang hahanapin ang anak na si Emma.

Laking gulat niya nang ipinaampon na pala ito ni Diana. At lalong mas nakakagulat na si Anthony pa ang umampon dito.

Bukod dito, matutuklasan niyang maraming mga sikreto sa likod ng kanyang pagkakakulong at may kinalaman lahat ng ito si Diana.

Paano bububuin muli ni Eunice ang kanyang buhay matapos maging biktima ng patong-patong na kasinungalingan?

Tunghayan 'yan sa surprise K-Drama hit of 2020 na Lie After Lie, simula June 21, 9:35 pm sa GMA Heart of Asia.