
Nag-trending sa social media ang istorya ng isang batang babae na may kakaibang sitwasyon noong siya ay magdalaga.
Simula ng magdalaga ang 12-anyos na si Yumi Ballarta, nagumpisa na magiba ang hitsura niya.
Sa mura niyang edad, at tangkad na 4'9", may hinaharap na mabigat na problema Yumi dahil sa biglang paglobo ng kanyang dibdib.
Kung ang ibang ka-edad ni Yumi, naka-baby bra pa lamang, siya ay 40DDD na ang size ng bra na suot.
Ang kanyang dibdib abot na hanggang pusod kaya naman madalas sumakit ang likod at balikat niya at hirap na sa pagkilos dahil nasa halos bente kilos na ang kaniyang hinaharap.
Kuwento ni Yumi sa Kapuso Mo, Jessica Soho, "Gusto ko pong maglaro sa labas makatakbo at makatalon, kasama 'yung mga pinsan ko pero ngayon hindi ko na magawa."
"Mahirap po mabigat po talaga. Baka po ma-bully nila ako, nahihiya po ako, naiinis...gusto ko pong umiyak ng buong araw.
"Nagagawa ko pa rin po mag-TikTok pero half-body na lang po kasi kapag napapakita ko po yung aking dibdib kung ano ano po 'yung sinasabi nila."
Nagsimula raw ang paglaki ng dibdib ni Yumi nang reglahin ito nitong nakaraang taon. Noong ipinakonsulta siya sa espesyalista, na-diagnose siya sa karamdaman na Juvenile Gigantomastia.
Ayon kay Dra. Elaine M. De Castro-Salazar, isang Surgical Oncologist and General Surgeon, "Ito ay ang sobra o agresibong paglaki ng mga laman."
May lunas pa kaya ang paglaki ng dibdib ni Yumi?
Panoorin ang ulat ng Kapuso Mo Jessica Soho dito:
Patuloy na panoorin ang KMJS tuwing Linggo, 8:40 PM sa GMA-7!
Related content:
KMJS: 16-anyos na dalaga, nagmukha na raw 50-anyos?
Samantala, narito ang ilang celebrities na sumailalim sa breast enhancement: