
Hindi lang sa pag-arte humahataw ang First Yaya actress Cassy Legaspi kundi maging sa dance floor na rin. Go na go sa pagsayaw ang aktres kasabay ang mentor nito sa ibinahaging practice video sa Instagram kahapon, June 22.
Makikita na game si Cassy na sumubok ng maraming bagay at hasain ang iba niya pang talento.
Napa-comment naman ang kayang kapatid na si Mavy Legaspi, “acting, dancing and… SINGING coming soon?”
Mukhang marami pa tayong dapat na abangan. Gagawa na rin kaya ng cover songs si Cassy?
Maging ang co-star nito sa First Yaya na si Sanya Lopez ay napahanga sa galing nito: “galing ng baby dear naming.”
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 1.2 million followers sa Instagram si Cassy at 5.5 million followers naman sa Facebook.
Samantala, marami ng kapana-panabik na mga eksena ang dapat na abangan sa First Yaya lalo na ngayong binabalak na ni Melody (Sanya Lopez) na lumipad sa Cebu para makapagsimula muli. Patuloy namang nahaharap sa mga kontrobersiya ang pamilya ni Glenn (Gabby Conception) dagdag pa ang pag-atras nito sa pagkapangulo sa susunod na eleksiyon.