
Labis ang tuwa at pasasalamat ng long-time Unang Hirit host na si Suzy Abrera sa munting sorpresang inihanda ng mga kaibigan at katrabaho para sa kanyang ika-46 kaarawan.
Hawak-hawak ni Suzy ang isang bouquet ng bulaklak katabi ang three-layer cake na inihanda para sa kanya sa kanyang Instagram photos.
Ito rin ang ika-21 taon na nagdiwang si Suzy ng kaarawan sa Unang Hirit na itinuturing niya ng ikalawang pamilya.
“21 years!!! That's how long I've been celebrating my birthday on @unanghirit!
"Salamat sa aming mga boss, co-hosts, staff (Lalo na dun sa mga fave boys behind the scenes ko), makeup artists, floor directors, directors, cameramen, cound men, spinner, utility, SP, team heads, researchers, coordinators, lahat-lahat na!!! Napakaraming bumubuo sa Unang Hirit and I'm proud to be their QUEEN, charot haha! Thank you for another year celebrating with you all!” pasasalamat ni Suzy.
Isa siya sa mga kauna-unahang hosts ng Unang Hirit na nagsimula noong December 6, 1999, ang pinakamatagal na morning show ng GMA.
Ilan sa mga batikang hosts na kasama niya rito ay sina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Lhar Santiago, Connie Sison, Nathaniel “Mang Tani” Cruz, at Love Añover.
Isinilang si Suzy noong June 22, 1975 at ikinasal noong May 6, 2001 sa kanyang asawa at kapwa TV host na si Paolo Abrera.
Biniyayaan sina Suzy at Paolo ng tatlong anak na babae na sina Nella, Leona, at Jade.