
Mapapakinggan na sa Linggo, June 27, ang new version ng latest na kanta ng SB19 na 'MAPA' kasama ang folk pop band na Ben&Ben.
Nagsama ang dalawang mamalaking music acts para sa special “band version” ng 'MAPA,' isang ballad song para sa pagkilala sa kadakilaan ng ating mga magulang.
📸 #SBEN19MAPA Concept Photo #1
-- SB19 Official 🇵🇭 (@SB19Official) June 21, 2021
<Official Video Release Date>
2021.06.27 | 19:00 PHT
In frame: #SB19_JOSH, @BenAndBenMusic Jam and Toni pic.twitter.com/mQdqiAFb7e
Bago pa man ang release ng kanta, patuloy na ang pagbabahagi ng concept photos ng dalawang grupo sa social media. Sa bawat post ay may picture ng isang miyembro mula sa SB19 at dalawa mula sa Ben&Ben.
📸 #SBEN19MAPA Concept Photo #2
-- Ben&Ben (@BenAndBenMusic) June 22, 2021
<Official Audio>
2021.06.27 | 00:00 PHT
<Official Video Release Date>
2021.06.27 | 19:00 PHT
In frame: @SB19Official - #SB19_PABLO, Ben&Ben - Miguel Benjamin and Paolo Benjamin pic.twitter.com/cwBvAseqws
Hinihikayat ng SB19 at Ben&Ben ang kanilang mga fans na i-pre-save ang track na ipinapakita ang cover art ng kanta sa kani-kanilang Twitter accounts. Makikita sa cover ang guhit ng buwan at araw, ang title ng kanta, at ang logo ng bawat grupo.
Pre-save #SB19 - MAPA (Band Version) with @BenAndBenMusic on Spotify now!
-- SB19 Official 🇵🇭 (@SB19Official) June 23, 2021
💿 https://t.co/4ZxxAhW4kB
<#SBEN19MAPA Release: 2021.06.27 | 00:00 PHT> pic.twitter.com/3YiRYX1zAM
“Pre-save SB19 - MAPA (Band Version with [BEN&BEN} on Spotify now!” post ng SB19 sa Twitter na may kasamang #SBEN19MAPA at ang release date ng kanta.
Mapapakinggan rin ang updated version ng 'MAPA' sa paparating na digital concert ng SB19 sa July 18 na “Back In The Zone” na live na gaganapin via KTX.ph.
Balikan ang ilang highlights ng kanilang Kapuso Artistambayan guesting noong 2019 sa videos na ito:
Mas kilalanin pa ang members ng SB19 sa gallery na ito: