GMA Logo James Yap
What's Hot

Pagdalaw ni James Yap sa libing ni PNoy, pinuri ni Lolit Solis

By Bong Godinez
Published June 27, 2021 2:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

James Yap


“Malaking bagay na nagawa ni James Yap na pumunta sa wake, walang fanfare, walang ingay,” sabi ni Lolit sa Instagram.

Nabalot ng lungkot at pangungulila ang libing ng dating pangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino III.

Kahapon, June 26, ay inihatid na sa kanyang huling hantungan si Noynoy sa Manila Memorial Park in Parañaque.

Bago iyon ay isang misa ang inialay sa ika-15th na pangulo ng Pilipinas na pumanaw sa edad na 61 dahil sa renal disease na may kaugnayan sa sakit na diabetes.

Bagama't malungkot ang okasyon ay naging daan din ito para muling magkasama-sama ang mga kamag-anak, kaibigan, at kaalyado ng dating pangulo.

Sa gitna ng mga kumustahan, iyakan, at pangungumusta ay namataan ang sikat na basketbolista na si James Yap.

Tahimik lang si James na nagmamatiyag at malayo ito kung nasaan ang mga pangunahing bisita.

Si James ay dating mister ng nakakabatang kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino.

Noong kumalat ang balitang namayapa na ang dating pangulo ay nagpahayag si James ng pasasalamat kay Noynoy dahil sa kabaitan na ipinakita sa kanya noong nabubuhay pa ito.

Idinaan ni James ang kanyang mensahe sa Instagram.

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Kahapon ay muling ipinakita ni James ang suporta sa dating bayaw sa pagbisita ng personal ngunit tahimik sa libing nito.

Pinuri naman ng beteranong showbiz reporter na si Lolit Solis ang ipinakitang pagmamalasakit ni James.

Saludo daw siya sa kabaitan na ipinamalas ng Rain or Shine shooting guard.

“Very gentleman of him, and very sincere gesture iyon pagpunta niya sa mass for Pnoy ng wake nito sa Ateneo. Very discreet at tahimik siya nakiramay. Hindi lumapit kay Kris Aquino o Bimby, basta nakinig lang sa misa at tahimik na ipinadama ang suporta,” saad ni Lolit sa Instagram.

Si Bimby ay ang 14-year-old na anak ni James kay Kris.

“Siguro nga naging maganda ang relasyon nila ng nag-iisang kapatid na lalaki nila Kris. Siguro nga nasa puso niya ang respeto at paghanga dito. Malaking bagay na nagawa ni James Yap na pumunta sa wake, walang fanfare, walang ingay.

“Iyon personal niyang presence ang patunay na isang mabait na kuya si Pnoy, na naging maganda ang pinagsamahan nila,” dagdag pa ni Lolit.

“Bow ako kay James Yap. Tunay siyang lalaki.

“Siguro dapat na itong maging daan para maging malapit si Bimby sa kanyang ama.

“Patunay na hindi kailanman pinutol ni James ang kanyang relasyon sa mga Aquino. What a man. A real man. Salute James Yap.”

Samantala, balikan ang masasayang “tito moments” ni dating Pangulong Noynoy sa kanyang mga pamangkin na si Josh at Bimby.