GMA Logo Sandro Muhlach
What's Hot

Sandro Muhlach, aminadong nakaramdam ng pressure sa pagpasok sa showbiz

By Maine Aquino
Published June 29, 2021 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH's Herbosa: Letting kids buy, use firecrackers like child abuse
Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Sandro Muhlach


Alamin ang kuwento ni Sandro Muhlach na nagmula sa pamilya ng mga magagaling na aktor.

Ikinuwento ni Sandro Muhlach na may pressure siyang nararamdaman ngayong isa na siyang Kapuso star.

Ibinahagi ni Sandro sa entertainment writers sa ginanap na media conference kasama sina Pamela Prinster, Brianna, Mitzi Josh, at Gabrielle Hahn ang kaniyang pakiramdam sa pagpasok sa industriya.

Ayon kay Sandro, pressure ang kaniyang nararamdaman ngayon dahil kadikit ng kaniyang pangalan ang kaniyang pamilya sa showbiz na sina Niño Muhlach at Aga Muhlach.

Photo source: @sandromuhlach

"There's a lot of pressure po talaga. Siyempre Niño Muhlach and Aga Muhlach 'yung mga kailangan kong pantayan."

Saad pa ng bagong Kapuso artist, gusto niyang makilala hindi lamang dahil sa isa siyang Muhlach kundi dahil sa kaniyang talento.

"I learned to differentiate myself po sa kanila kasi ayoko po makilala just for the sake of being a Muhlach. Gusto ko pong makilala being just Sandro Muhlach.

Dugtong ni Sandro, "Ayoko po ng 'O sumikat lang 'to dahil anak ni Niño Muhlach.' Ayoko po ng ganun; gusto ko po pure talent ko lang po talaga."

Isa rin sa mga itinanong kay Sandro ay ang bilin sa kaniya ng kaniyang ama na si Niño ngayong nag-aartista na siya.

"Bilin po sa akin ng daddy ko is just be humble sa lahat ng tao na makakasalamuha ko. Siyempre be kind sa lahat ng tagahanga."

Abangan si Sandro sa FYP or Fresh Young Peeps sa All-Out Sundays.

Kilalanin pa natin si Sandro sa gallery na ito: