What's Hot

Rufa Mae Quinto, susubukang abutin ang Hollywood dream

By Aimee Anoc
Published June 30, 2021 1:53 PM PHT
Updated June 30, 2021 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Rufa Mae: “Hindi na ako 'yung dating Rufa Mae na ang daming kasama, glam team here, glam team there, limelight.”

Noong Pebrero 2020, lumipad papuntang Los Angeles, California si dating Bubble Gang star Rufa Mae Quinto, kasama ang anak na si Alexandria Magallanes, para sundan ang asawang si Trevor Magallanes.

Mahirap man na iwan ang buhay na kanyang nakasanayan sa Pilipinas pero lakas loob na sinusubukan ni Rufa ang buhay sa Amerika, maging ang pangarap na Hollywood dream.

Sa kanyang interview kay Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Martes, inamin ni Rufa na hindi naging madali ang pakikipagsapalaran niya sa Amerika dahil sa takot sa pandemya pero iniisip na lang niya na ang mahalaga ay sama-sama silang pamilya.

“Actually, it was really hard. Yes! Mahirap talaga 'yung una pero parang dahil sa takot ko na sobrang lungkot, sobrang takot dahil nga sa pandemic, tapos may anak ka, parang lagi mong iisipin, ang importante sama-sama kayong pamilya tapos healthy kayo,” pagbabahagi ni Rufa.

Binalikan din ng komedyante ang kasikatan sa Pilipinas kung saan dati ay marami siyang nakakasama at palaging nasa limelight. Sa Amerika, naranasan niyang maging full-time housewife.

“Kanina nag-drive ako dito sa Amerika. Talagang alam mo 'yun? Parang ibang-iba na. Hindi na ako 'yung dating Rufa Mae na ang daming kasama, glam team here, glam team there, limelight,” pagbabalik-tanaw ng komedyante.

Ibinahagi rin ni Rufa na ang mga trabaho niya araw-araw ay paggo-grocery, paglalaba at pagluluto. Mahirap man ang maging isang full-time na maybahay ay kinakaya niya.

“'Yung susi lang eh. Ilang beses akong na-lock, tapos siyempre minsan nandoon sa loob 'yung anak mo. 'Yung mga ganu'ng struggle.

"'Tapos, siyempre, nakakalimutan mo 'yung mga pinto, minsan hindi mo na naisarado, minsan hindi mo na nai-lock, minsan naiwan mo na 'yung labada,” dagdag pa niya.

Dumating din sa punto na nakalimutan na ni Rufa ang sarili para lamang maasikaso ang pamilya.

Aniya, nadagdagan ang kanyang timbang at halos hindi na siya makaharap sa mga tao.

Sobrang na-depress din siya sa mga naranasang pagbabago pero dumating ang oportunidad na maging cover girl sa U.S. based magazine na nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa.

“Napabayaan ko, ang laki ko talaga, namamanas ako, ayoko nang humarap [sa mga tao].

"'Tapos noong nabigyan ako ng chance sa magazine, nakita ko 'yung sarili ko, 'Ay kaya pala.'

"'Tapos tuluy-tuloy na ang paglaban. Nagwo-workout na ako, pumayat na ako, kaya ko na ulit mag-two piece. Pero noon ay ayokong makita 'yung sarili ko,” pagpapatuloy pa ni Rufa.

Tingnan ang naging buhay ni Rufa Mae sa gallery na ito: