GMA Logo Manolo Pedrosa and Sophia Senoron
What's Hot

Is romance brewing between Manolo Pedrosa and Sophia Senoron?

By Bong Godinez
Published July 1, 2021 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Manolo Pedrosa and Sophia Senoron


Manolo Pedrosa and Sophia Senoron's gestures during the recent episode of 'Rise Up Stronger: NCAA Season 96' has everyone both kilig and confused.

Nabalot ng kilig ang Tuesday episode ng Rise Up Stronger: NCAA Season 96 dahil kina Sophia Senoron at Manolo Pedrosa.

Sa nasabi kasing episode ay panay ang parinig at pagpapa-cute ni Manolo kay Sophia.

Mukhang effective naman dahil tila kinikilig din ang Kapuso female host at actress.

Sa isang game segment ay tinanong ng co-host ni Sophia na si Martin Javier si Manolo kung likas ba itong competitive lalo na pagdating sa sports.

“Naku Martin, napaka-competitive kong tao kasi may nanonood dito, e,” sagot ni Manolo.

“Sino?” tanong ni Martin.

“Hindi ko na sasabihin pero 'pag may nanonood na special na someone nagiging competitive ako,” balik ni Manolo na nangingiti.

Ikinumpara naman ni Sophia ang tiebreaker game sa love, bagay na ipinagtaka ni Martin.

“Bakit parang love, explain mo sa amin Sophia?” tanong ni Martin sa co-host.

Sagot ni Sophia, “If sa first [game] mag-tie kayo, may second chance pa kayo.”

Buweltang tanong ni Martin, “Ikaw ba willing ka magbigay ng second chance?”

Umiwas naman ang dalaga at natatawang ibinaling sa iba ang usapan.

May isa pang pagkakataon na ibinalik ni Manolo ang tanong kay Sophia kung mahilig din ba itong mag-gym.

“Oo, minsan, mahilig din akong mag-gym,” tugon ni Sophia na natatawa at hindi makatingin sa Kapuso heartthrob.

Marami tuloy ang napaisip kung may past ba sina Sophia at Manolo o 'di kaya'y may nabubuong pagtitinginan sa dalawang Kapuso stars.

Maging ang production team ng programa ay nagtataka rin nang usisain ng GMANetwork.com.

Sa ngayon ay balikan muna natin ang kilig moments between Sophia at Manolo dito:

Catch Rise Up Stronger: NCAA Season 96 on GTV weekdays at 3:00 p.m. with weeknights replay at 10:50 p.m.

Viewers can get their weekend dose of NCAA during Saturdays at 4:30 p.m., and Sundays at 5:05 p.m.

Meanwhile, Kapuso abroad can catch all the action via GMA Pinoy TV.

Stay updated on NCAA Philippines via its mobile app on Google and Apple App Stores. Visit NCAA Philippines' official website www.ncaa.com.ph and follow @ncaaphilippines and @gmasynergy on social media.

Get to know more about Sophia Senoron in this gallery: