GMA Logo Bea Alonzo Kapuso
What's Hot

DongYan, Alden Richards, may mensahe para sa bagong Kapuso na si Bea Alonzo

By Aedrianne Acar
Published July 1, 2021 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo Kapuso


Dingdong Dantes to Bea Alonzo: “Marami nag-aantay sa'yo dito at…”

Isang malaking pasabog ang handog ng GMA Network sa unang araw ng Hulyo, matapos opisyal na inanunsyo ang pag-pirma ng kontrata ng award-winning actress na si Bea Alonzo bilang bagong Kapuso.

Nagdaos ng grand contract signing para kay Bea sa Edsa Shangri-La Manila sa Mandaluyong City kung saan ramdam ang mainit na pagsuporta ng mga Kapuso big bosses na umattend via video conferencing o nasa mismong event tulad nina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and Chief Operating Officer Mr. Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, GMA Films President Atty. Anna Teresa “Annette” M. Gozon-Valdes at marami pang iba.

Napanood ni Bea ang video message sa kanya ng ilan sa malalaking bituin ng GMA-7 tulad ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na makakasama niya sa isang film project na gagawin ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

Pahayag ng The World Between Us actor, “Isa lang masasabi ko welcome sa GMA natuloy na din 'yung pinag-usapan natin. I'm really looking forward to working with you in this network--my home network.

“And I hope you will have a very fun stay here kasama namin.”

Source GMA Network

Nagpaabot din ng pagbati ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Aniya, “Hi, Bea, welcome sa GMA, Kapuso Network. Naku, sure na sure ako na mag-e-enjoy ka dito. I'm very happy na nadagdagan na naman ang mga Kapuso.”

Napangiti din si Kapuso Bea Alonzo nang makita ang dati niyang leading man sa movie na She's The One (2013) na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Mensahe nito sa actress sa isang pre-recorded video, “Welcome to GMA! Marami nag-aantay sa'yo dito at happyng-happy kami na finally Kapuso ka na rin. I'm sure mag-e-enjoy ka and I'm looking forward to the many projects na gagawin mo dito being a very-very good actress.”

Ilan sa parangal na nakamit ni Bea bilang artista ay nang kilalanin siya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) bilang honorary film ambassador at nang makatanggap siya ng 'Asian Stars Up Next Award' mula sa International Film Festival & Awards Macao (IFFAM).

Nanalo din siya bilang Movie Actress of the Year sa 32nd PMPC Star Awards for Movies (2016) at wagi rin bilang Best TV Actress sa 23rd KBP Golden Dove Awards (2015).

Kilalanin pa nang husto ang pinakabagong Kapuso na si Bea Alonzo sa gallery below.