GMA Logo Kris Bernal
What's Hot

Kris Bernal, humingi ng saklolo sa NBI tungkol sa taong gumamit ng kanyang pangalan para manloko ng delivery app riders

By Aedrianne Acar
Published July 5, 2021 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal


“This is actually not just for me but for my mother and also doon sa mga riders na kahit saang delivery service na na-scam at naloloko”--- Kris Bernal

Gustong papanagutin ng actress-entrepreneur na si Kris Bernal ang taong nasa likod ng pagdagsa ng fake delivery bookings sa kanya nitong weekend, kung saan diumano ginamit ang kanyang pangalan para manloko.

Source: krisbernal (IG)

Nitong weekend, ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram ang karanasan ng kanyang pamilya matapos dagsain sila ng ilang delivery riders. Nakapangalan ang orders kay Kris ngunit giit ng aktres, wala siyang inorder noong mga oras na 'yon.

Laking gulat ng StarStruck alumna na may gumagamit ng kanyang pangalan para manloko ng kawawang delivery riders.

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Ngayong Lunes, July 5, pumunta si Kris Bernal sa tanggapan National Bureau of Investigation (NBI) para humingi ng tulong at alamin kung sino ang nasa likod ng naturang insidente.

Sa video na inupload ng GMA News sa Facebook na kuha ng DZBB reporter na si Manny Vargas, nagbigay ng pahayag si Kris Bernal sa reklamong idinulog niya sa NBI.

Pahayag niya, “To get bookings as much as they can, alam mo 'yun, gusto nila ma-book ng mag-book tapos ito pa magkakaroon pa sila ng problema, ipo-process pa nila.

“Siyempre, gusto naman nila at the end of the day ay marami sila makuhang bookings dahil diyan sila kumikita at tsaka ang liliit ng kita ng mga Grab drivers na 'to. So, gusto ko lang sila bigyan ng justice.”

“Actually, sa akin okay lang, e, naabala ako okay lang. Pero 'yung mom ko kasi naabala [rin] and siya 'yung kumakausap sa mga Grab drivers, kasi she wanted to protect me also and my mom is already a senior, so ayoko rin na lumalabas-labas siya, pero naabala siya.

“So, this is actually not just for me but for my mother and also doon sa mga riders na kahit saang delivery service na na-scam at naloloko.”

Umabot na raw sa 23 pekeng food delivery bookings ang dumating sa bahay ni Kris Bernal.

Heto naman ang ilan sa mga artista at famous personalities na umalma sa mga pekeng social media account na ginamit ang kanilang mga pangalan.