GMA Logo bea alonzo
What's Hot

Bea Alonzo, ikinuwento ang taong tumulong sa kanya para maka-move on sa heartbreak

By Aimee Anoc
Published July 6, 2021 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo


Bea Alonzo sa isyung pagkakamabutihan nila ni Dominique Roque: "Happy naman ako,"

Naikwento ni Bea Alonzo ang mga pinagdaanan niya para tuluyang maka-move on sa heartbreak sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, July 4.

Nagsimula ito nang ihalintulad ni Bea ang pagtanggap ng isang proyekto sa pag-ibig.

Paano ba nagdedesisyon ang aktres sa tatanggapin niyang proyekto?

"Lagi kong sinasabi para siyang love.

"Kapag nabasa ko 'yung script or kapag pinitch sa akin, kapag nakaramdan ako ng electricity!" pagbabahagi ni Bea sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kaugnay nito, nabanggit din ni Bea kung paano niya nagagawa ang mga eksena niya sa proyekto.

Sabi ng kilalang drama actress, "'Yung pag-iyak, produkto lang siya ng sakit na nararamdaman mo.

"Hindi mo pipiliting umiyak. Umiiyak ka kasi nasasaktan ka.

"So, dapat na marating mo 'yung place na nasasaktan ka," dagdag pa ng aktres.

Biro naman ni Jessica na marahil ay eksperto na si Bea sa pagtanggap ng script na inilarawan niyang parang pag-ibig.

Patawa naman itong itinanggi ni Bea dahil ilang beses na rin siyang nagkamali sa pag-ibig, at hindi sa script.

Pero papaano nga ba naka-move on si Bea sa heartbreak?

Sinu-sino ang mga taong tumulong sa kanya para muling makabangon?

Sagot ni Bea, "I surrounded myself with people I trust, people who had been there for me for so many years, especially my family.

"Ang pamilya ko talaga ang parang pumulot ng pira-pirasong nahulog," dagdag pa ng bagong Kapuso.

Inamin din ni Bea na hindi niya pa kayang magpatawad.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang aktres sa kanyang ina dahil naririyan siya palagi para gabayan siya.

"Sometimes, iniisip ko mayroon bang mali sa akin na hindi ko kaya pang magpatawad?

"Bakit ganito? Parang naiinis pa rin ako? Pero sabi nga ni mama, kaniya-kaniyang proseso siya," paliwanag ni Bea.

"You don't have to beat yourself up for not being able to forgive kasi proseso mo 'yan, e!

"Ang importante you're focusing on yourself, and that ngayon alam ko na I am deserving of love, I deserve to be loved and I am enough," pahayag ng aktres.

Mataandaan na noong 2019, pinag-usapan ang hiwalayan noon nina Beea at Gerald Anderson, kung saan nasangkot din sa kontrobersiya ang girlfriend niya ngayong si Julia Barretto.

Samantala, dahil usapang pag-ibig, tinanong rin ng KMJS si Bea tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan nila ng aktor na si Dominique Roque.

Ang maiksi ngunit nakangiting sagot ni Bea, "Happy naman ako."

Panoorin ang buong interview ng KMJS dito:

Narito naman ang ilang larawan kuha mula sa pagpirma ni Bea ng kontrata sa GMA Network: