GMA Logo jeric and aj raval
What's Hot

Jeric Raval, tutol sa pagpapaseksi ng anak na si AJ Raval

By Racquel Quieta
Published July 7, 2021 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Caprice Cayetano fails to advance in gift of immunity challenge
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

jeric and aj raval


Alamin ang naging reaksyon ni Jeric Raval nang malamang gumawa ng sexy film ang anak na si AJ Raval.

Isa sa mga kilalang action stars sa bansa ang aktor na si Jeric Raval, at ang isa sa kanyang mga anak na si AJ ay sumusunod ngayon sa kanyang yapak bilang artista.

Sa kanyang guest appearance sa 'Tunay na Buhay' kamakailan ay sinabi ni Jeric kay host Pia Arcangel na buo naman ang kanyang suporta sa pag-aartista ng anak na si AJ.

Ngunit nabigla raw siya nang malamang gumawa ng sexy film ang anak nang hindi nagpapaalam sa kanya.

“Noong una natutuwa ako. Very supportive naman ako. Kaya lang nung--ang hindi ko lang sinuportahan sa kanya 'yung movie niyang ano 'Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar.'”

Sina Jeric Raval at AJ Raval sa 'Tunay na Buhay' / Source: Tunay na Buhay

Sa nasabing sexy comedy film, nakasama ni AJ ang mga batikang sexy stars na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor.

Ayon kay Jeric, hindi naman daw siya nagalit nang malaman ang tungkol sa pelikula, ngunit nabigla raw siya.

“Hindi naman (ako nagalit). Kaya lang sabi ko lang sa kanya, 'bakit ginawa mo 'yon?'”

Sabi naman ni AJ, natahimik na lamang siya nang kumprontahin siya ng kanyang ama.

Ani AJ, “Tahimik na lang po kasi ako kasi alam ko rin naman po na 'di ako dapat sumagot.”

Pinili na lang daw niyang huwag ipaalam sa ama ang tungkol sa pelikula dahil alam niyang hindi siya susuportahan nito.

Si Aj Raval at mga batikang sexy stars sa 'Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar' / Source: Viva Films & Tunay na Buhay

Ngunit ngayong naipalabas na ang nasabing pelikula, tila balik na sa normal ang relasyon ng mag-ama.

Kitang-kita nga sa TikTok videos ni AJ ang pagiging malapit nilang dalawa.

Ayon pa kay AJ, ang pangarap daw niya talaga ay maging action star tulad ng ama na si Jeric.

“Gusto ko po talaga action. Siyempre idol natin 'yung mga magulang natin.”

Nagbigay naman ng payo si Jeric sa kanyang dalagang anak na unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan sa showbiz.

“Lagi kong sinasabi sa kanya matuto siyang makipagkapwa-tao doon mapa-artista, mapa mga nagtatrabaho sa likod ng camera. 'Tsaka lagi kang on time sa set.”

Isa lamang si AJ sa maraming anak ni Jeric Raval. Sa nasabing 'Tunay na Buhay' episode, inamin ng action star na mayroon siyang labinwalong anak.

Panoorin ang pahayag ni Jeric Raval tungkol sa kanyang labinwalong anak sa 'Tunay na Buhay' video sa ibaba.

Para sa iba pang celebrity features tulad nito, panoorin ang 'Tunay na Buhay' tuwing Miyerkules, 11:30 P.M. sa Power Block ng GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang 'Tunay na Buhay' sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Alamin kung nasaan na ang mga sikat na sexy stars of the '90s sa gallery sa ibaba.