
Puno ng pasasalamat si David Licauco nang muli siyang pumirma sa GMA Artist Center.
Kuwento ng Kapuso leading man, marami siyang natutunan simula nang pasukin niya ang showbiz noong 2017.
Photo source: @davidlicauco
"Marami akong natutunan. Marami akong naging kaibigan."
Ayon kay David, nagpapasalamat siya sa oportunidad na mapabilang muli sa Kapuso Network.
"I'm just thankful for GMA for the opportunity. It's another year and sana mas marami pa akong gawing trabaho with GMA."
Ayon kay David gusto niyang makatrabaho muli si Julie Anne San Jose. Sina David at Julie ay naging magkatambal nang gampanan nila ang characters nina Ace at Heart sa Heartful Cafe.
"If given the chance na makatrabaho ko ulit si Julie, siyempre gusto ko 'yun since marami na kaming fans. And magaling siya e. so hopefully si Julie ang makatrabaho ko sa next."
Dagdag pa ng aktor, bukod kay Julie, nais niya ring makatrabaho ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo.
"If bigyan ako ng GMA ng ibang leading lady siguro gusto ko makapareha si Bea Alonzo.
"Medyo far-fetched pero it's just a dream of mine kasi pinapanood ko lagi 'yung mga movies niya."
Congratulations, David!
Tingnan ang mga businesses ni David sa gallery na ito: