GMA Logo Aiai delas Alas
What's Hot

Aiai delas Alas, ibang level sa ibinahaging Instagram photo

By Aimee Anoc
Published July 8, 2021 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai delas Alas


Ipinakita ni Aiai na sa edad na 56 ay alagang-alaga pa rin nito ang katawan.

Ibang level ang ibinahaging larawan ni Comedy Queen Aiai delas Alas sa Instagram ngayong araw, July 8.

Kita sa litrato ang seksing-seksi si Aiai na suot ang pink crop top at high slit printed skirt. Naka-pinkish makeup look din ang komedyante at red pumps.

Makikita na alagang-alaga pa rin ni Aiai ang kanyang katawan sa edad na 56. Pagbabahagi pa ng komedyante na kasama sa kanyang diet ang organic foods, less sugar, at no rice.

"Your body is a reflection of your lifestyle...Its the best fashion statement," caption nito.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Samantala, nag-perform nang live si Aiai sa kanyang mga tagahanga sa Dhaven Queens sa Woodside, New York City noong July 2 para sa Ai'm Back show niya.

Masaya ang komedyante dahil naranasan niya ulit na makapag-perform nang live para sa kanyang fans na matagal na niyang hindi nagawa dahil sa pandemya.

Noong May 27, lumipad papuntang amerika si Aiai kasama ang kanyang mister na si Gerald Sibayan para asikasuhin ang ilang personal na bagay. Wala man sa plano ang mag-perform sa New York pero hindi niya natanggihan ang pananabik ng mga kababayan na muli siyang makita.

Tingnan ang mga litrato ng dalawa sa kanilang recent US trip: