
Nagsimula na ang hit Lakorn na kinagiliwan at minahal ng marami, ang Game of Affection, ngayon araw, July 12, GMA Heart of Asia '
Subaybayan ang love-hate relationship nina Lucky at Nikki na dating magkababata at muling pagsasamahin ng tadhana sa iisang bubong.
Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, haharap ang dalawa sa isang arranged marriage.
Sa pagbabalik ni Nikki, na pagbibidahan ng kilalang Thai actress na si Taew Natapohn Tameeruks, sa Thailand matapos na mag-aral ng dalawang taon sa ibang bansa, hindi niya inaasahan na wala na siyang babalikang masayang pamilya dahil pinili na ng kanyang mga magulang na mag-divorce.
Muling magpapakasal ang ama ni Nikki na si Wyatt, na ginagampanan ni Chai Chatayodom Hiranyatithi, sa mas batang babae na halos kasing edad lamang din niya at isang dating beauty queen.
Dahil din dito sasama sa iba't ibang lalaki ang ina ni Nikki na si Wilma, na ginagampanan ni Tanya Tanyares Engtrakul.
Hanggang saan kaya ang kayang ipaglaban ni Nikki para sa paghahangad na muling mabuo ang kanyang pamilya?
Kasabay ng masamang balita na paghihiwalay ng kanyang mga magulang, haharapin din ni Nikki ang dati niyang kababata na si Lucky, na pagbibidahan ni hunk actor James Jirayu Tangsrisuk, na makakasama niya sa iisang bahay.
Kinupkop si Lucky ng mga magulang ni Nikki noong mga bata pa sila ngunit lumaking magkahiwalay ang mga ito.
Ano ang maaaring gawin ni Nikki kung malaman nito na ang ngayo'y kinakasama ng kanyang ama na si Khae, na pinagbibidahan ni Gul Amena, ay dating pa lang karelasyon ni Lucky?
Makakasama rin nila Nikki at Lucky sina Garret at Penny, na gagampanan nina Princess Hours actor Tao Sattaphong Phiangphor at Pear Pitchapa Phanthumchinda, na lalaban para makuha ang ambisyon na hinahangad.
Sa laro ng pag-ibig, sino ang unang magwawagi?
Mapapanood ang Game of Affection Lunes hanggang Biyernes, 11:30 AM, at Sabado, 10:45 AM, sa GMA Network bago mag-Eat Bulaga.