What's Hot

Rochelle Pangilinan at Max Collins umaming may separation anxiety

By Aimee Anoc
Published July 13, 2021 9:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan, Max Collins


"Ang hirap din kasi, naiisip ko pa lang naiiyak na ako..." - Max Collins

Pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga anak, hands-on mom sina Rochelle Pangilinan at Max Collins kaya naman hindi maiwasan na magkaroon sila ng separation anxiety ngayong abala na sa kani-kanilang mga serye.

Sumasailalim na ngayon sa quarantine si Rochelle para sa paparating nitong serye na Lolong at abala naman sa taping ng To Have and To Hold si Max Collins. Ngayon, kanya-kanyang paraan ang dalawa para mabawasan ang pag-aalala sa kanilang mga anak.

Kuwento ni Rochelle, paulit-ulit daw na paalala nito sa kanyang asawa na si Arthur Solinap na kailangang palaging may signal ang cctv sa bahay nila. Nagbaon na rin daw si Rochelle ng mga libro na mababasa niya habang naka-quarantine.

"Tapos sabi ko kay Art, 'dapat lagi kapag tumatawag ako hindi puwedeng hindi kita makontak.' Ginaganun ko siya. Dapat nakikita ko kung anong ginagawa niyo," pagbabahagi ni Rochelle.

Dahil sa palaging hinahanap si Rochelle ng kaniyang anak na si Shiloh Jayne Solinap, bago ang lock-in taping ay ipinasyal muna nilang mag-asawa ang anak sa bahay ng ninong nito na si Michael V.Inside

Ayon naman kay Max, baon-baon nito ang swimming clothes ni Sky Anakin Magno para lagi niyang maalala ang outdoor activities nilang mag-ina.

"Ang hirap din kasi naiisip ko pa lang naiiyak na ako so what more like nakikita ko 'yung mga gamit niya, then maaamoy ko siya. Mas lalo akong mahihirapan, but I guess makatutulong siya sa teleserye," sabi ni Max.

Samantala, silipin ang ilan sa kaabang-abang na eksena sa To Have and To Hold sa gallery na ito: