
Sa report ng Balitanghali kahapon, nakatanggap ng papuri at pasasalamat mula sa World Health Organization (WHO) ang sikat na Korean boy group na BTS matapos na isama ng grupo ang sign language sa music video ng kanilang latest English single na "Permission to Dance."
Ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, director general ng WHO, sa pamamagitan ng pagsama ng sign language sa music video ay natulungan daw ng BTS ang mahigit sa 1 bilyong katao na may diperensya sa pandinig o deaf.
"Thank you, @BTS_twt for including sign language in your #PermissiontoDance music video. As 1.5 billion people in the world are affected by hearing loss; sign language can help them to continue enjoying music which can bring joy to life," pahayag ni Tedros.
Napansin naman ng sikat na English singer-songwriter na si Elton John ang lyrics ng "Permission to Dance" na "When it all seems like it's wrong just sing along to Elton John," at kuwela itong binago sa Twitter.
"When it all seems like it's right, I sing along to @bts_bighit #permissiontodance," pagtukoy ni Elton sa BTS.
Inilabas noong July 9 sa YouTube ang official music video ng "Permission to Dance" at sa loob lamang ng dalawang araw ay umabot na ito ng 100 million views.
Isa ang "Permission to Dance" na kasama sa CD version ng "Butter."
Panoorin ang pasasalamat ng World Health Organization sa BTS sa report ng Balitanghali:
Samantala, tingnan ang concept photos para sa "Butter" CD version sa gallery sa ibaba: