GMA Logo Bea Alonzo
What's Hot

Dominic Roque, nagpakilig sa Instagram post ni Bea Alonzo

By Aimee Anoc
Published July 14, 2021 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Todo ang kilig sa comment section ng latest Instagram post ni Bea Alonzo.

Marami ang kinilig sa comment ni Dominic Roque sa ibinahaging larawan ni bagong Kapuso Bea Alonzo sa Instagram.

Noong July 9, lumipad papuntang Los Angeles si Bea para makapagbakasyon bago sumabak muli sa trabaho.

Marami naman ang nakapansin na nasa L.A. din ang rumored boyfriend nito na si Dominic Roque dahil sa ibinahaging Instagram stories nito ng kaparehong taco restaurant na binisita ni Bea sa L.A.

Sa bagong Instagram post ni Bea, nakasuot ito ng white dress na may cherry print habang nasa beach. Base rin sa post ng aktres, kinunan ang litrato sa Malibu, California.

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Hindi naman naiwasan ng netizens na muling mag-ingay dahil sa nakakakilig na comment ni Dominic na "i*y" sa larawan ng aktres.

Marami ang nag-interpret sa comment na "ILY" o "I love you" raw ang ibig sabihin nito. Sa text messaging or internet slang, ang "ILY" ay abbreviation ng "I love you."

Bukod sa "i*y" ay sinamahan pa ito ni Dominic ng kiss emoji. Sa loob lamang ng isang oras, umani ang comment ni Dominic ng mahigit 11,400 likes.

"Wait, 'di ba sabi nila when you post cherries daw meaning in a relationship ka," pagbabahagi ni @triciaxoxo.

"'Wag naman ganyan ka-sexy marupok si @dominicroque," pabiro ni @nikbey_couple.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon ng mahigit 435,900 likes at 3,430 comments ang post ni Bea.

Samantala, narito ang ilang sa mga larawan na kuha sa pagpirma ni Bea ng kontrata sa GMA Network: