GMA Logo heart evangelista
What's Hot

Heart Evangelista, bahagi ng pelikulang ipalalabas sa China at Los Angeles

By Serina Joyce Duque
Published July 15, 2021 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

heart evangelista


Magbabalik-pelikula na si Heart Evangelista!

Makalipas ang halos anim na taon, mapanonood na ulit sa big screens si Kapuso Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista.

Sa "chika minute" series ng aktres sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Heart na meron siyang ginawang pelikula na ipalalabas sa China at Los Angeles.

Sa ngayon, pinaplano pa lamang daw kung kailan ang release date ng naturang pelikula pero "hopeful" naman daw siya na malapit na.

Kwento ni Heart, "I made a movie that was filmed in China that I'm very proud of.

"The release is still being planned but it will be premiered in China and L.A.

"Hopefully, soon."

Kalakip nito ang isang larawan kung saan makikitang madungis ang mukha at gulo-gulo ang buhok ni Heart. Seryoso rin ang tingin niya at sa background makikita ang sala-salabat na mga kable.

heart evangelista

Nitong 2019, nauna nang inamin ng aktres na meron siyang ginagawang international action-film sa China at Los Angeles.

Taliwas ito sa unang inakala ng kanyang fans na magiging bahagi siya ng sequel ng Crazy Rich Asians.

Kwento pa ni Heart noon sa kanyang panayam sa "Chika Minute" ng 24 Oras, "You've never seen me like this. Even me, I'm shocked, kapag napapanood ko 'yung sarili kong ginagawa 'yung ginagawa ko.”

Matatandaang 2015 pa ang huling pelikula ng aktres, na gumanap bilang Ka Tenny Manalo sa pelikulang Felix Manalo.

Bago ito, bumida siya sa Trophy Wife noong 2014 kasama sina John Estrada, Christine Reyes, at Kapuso hunk Derek Ramsay.

Bagama't halos anim na taong naging inactive sa big screens, bumida naman si Heart sa iba't ibang teleserye ng GMA tulad ng Beautiful Strangers (2015), Juan Happy Love Story (2016), Mulawin vs. Ravena (2017), at My Korean Jagiya (2018).

At ngayong 2021, magsisimula na ang kanyang lock-in taping para sa drama-romance series na I Left My Heart in Sorsogon.

Samantala, tingnan naman ang sexiest looks ng ating Queen of Creative Collaborations sa gallery na ito: