GMA Logo Marian Rivera and Dingdong Dantes
What's Hot

Marian Rivera, naluha nang balikan ang big break bilang first Pinoy 'Marimar'; Dingdong Dantes, proud Kapuso for 25 years

By Jansen Ramos
Published July 16, 2021 12:31 PM PHT
Updated July 16, 2021 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Dingdong Dantes


Thankful ang Kapuso Primetime Couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga oportunidad na ibinibigay sa kanila ng GMA kaya ipinagmamalaki na sila ay #ProudToBeKapuso.

Dream come true para kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang buhay na meron siya ngayon.

Ayon kay Marian, proud at thankful siya sa maraming bagay sa halos dalawangpung taon na paniniwala sa kanya ng GMA. Naging emosyonal din siya nang maalala ang humble beginnings niya bilang artista.

Sabi ng aktres sa isang special video na ini-release ng GMA, "Sabi ko sa sarili ko, kailangan ko talagang magsikap. Kailangan kong i-prove 'yung sarili ko na lahat ng ginawa nilang lahat para sa 'kin worth it ako."

Dumating daw ang kanyang big break nang makuha niya ang title role sa Philippine adaptation ng hit Mexicanovela na Marimar na ipinalabas noong 2007. Matatandaang nagkaroon pa ito ng remake noong 2015 na pinagbidahan ni Megan Young.

Malaki daw na bahagi ng pagiging Kapuso ni Marian ang sunud-sunod na blessings na dumadating sa kanya, pati na sa personal at kanyang career growth.

Aniya, "Sobrang proud talaga 'ko sa mga nagampanan ko bilang Kapuso at kung paano 'ko nag-grow, 'di lang bilang isang artista, bilang tao na rin. Kung nasaan man ako ngayon, kung paano ako bilang isang ina, mabuting asawa, masasabi ko talaga na malaki ang naitulong ng pagiging Kapuso ko."

Dingdong Dantes is #ProudToBeKapuso

Gaya ni Marian, grateful din ang Kapuso Primetime King at asawa niyang si Dingdong Dantes sa love at support ng GMA sa loob ng 25 years.

Sa napakaraming shows ni Dingdong sa Kapuso network, itinuturing pa rin ng magaling na aktor ang youth-oriented TV show na T.G.I.S. bilang defining moment niya sa network.

Sa pamilya at fans niya raw natutunan na ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagbibigay ng buong puso sa kung ano man ang iyong ginagawa.

Bahagi ni Dong sa hiwalay na video, "Para sa 'kin, success is a product of belief. Kung naniniwala ka sa sarili mo sa kahit anong project na pinasok mo, kung may tiwala ka sa Diyos, walang imposible."

Dagdag niya, ang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa kapwa ay itinuturing niyang blessing at ito rin daw ang nagbibigay sa kanya ng ligaya

Sabi pa ng Amazing Earth host, "I grew up in GMA and being a Kapuso through these years has allowed me to evolve and succeed as an artists mapa-TV man yan o mapa-pelikula.

"It's really a privilege to touch people's lives through GMA."

Para kina Marian at Dingdong, habang-buhay na raw nakaukit sa kanilang pagkatao ang pagiging GMA talent kaya naman pinagsisigawan nila na sila ay "Proud to be Kapuso."

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, silipin ang quarantine life ng Kapuso Royal Couple kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy dito: