GMA Logo Kylie Padilla
What's Hot

Kylie Padilla, may pinaghahandaang bagong proyekto

By Aimee Anoc
Published July 20, 2021 12:32 PM PHT
Updated July 20, 2021 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla


"Bye muna real world." -Kylie Padilla

Mayroong bagong pinaghahandaang proyekto si dating Encantadia star Kylie Padilla sa ilalim ng Rein Entertainment.

Ipinaalam ng aktres ang kanyang bagong proyekto sa kanyang followers sa pamamagitan ng mga larawan sa Instagram. Makikita sa isang litrato ang aktres na nakaupo sa ibabaw ng isang 4x4 na sasakyan.

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

"Bye muna real world," pagbabahagi ni Kylie at sinamahan ng hashtag #BETCIN.

Sinundan pa ito ni Kylie ng panibagong selfie post kung saan ay naka-tag naman ang Rein Entertainment.

Noong nakaraang buwan, nag-post ang aktres ng script booklet kung saan makikita ang dalawang babae na magkahawak ng kamay.

"A whole lot of [cat emoji]," caption ng aktres na ginamitan din ng hashtag #BETCIN.

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Samantala, kamakailan lamang nang kumpirmahin ni Kylie na hiwalay na sila ni Aljur Abrenica at parehas na sumang-ayon sa co-parenting set-up para sa kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Kasalukuyang na kay Kylie ang kanilang dalawang anak at naghahanda na rin sila sa paglipat sa kanilang bagong bahay.

Balikan ang relationship timeline nina Kylie at Aljur sa gallery na ito: