GMA Logo Glaiza De Castro
What's Hot

Glaiza De Castro, may gagawing 2 international films

By Aimee Anoc
Published July 23, 2021 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Kasama si Glaiza De Castro sa dalawang pelikula na gagawin sa Canada at South Korea!

Hinahangaan na rin maging sa abroad ang husay sa pag-arte ni Kapuso actress Glaiza De Castro.

glaiza de castro

Ayon sa interview ni Lhar Santiago kay Glaiza sa 24 Oras, gagawa ng dalawang international films ang aktres.

Ang isa ay produced ng Canadian Film Society sa direksiyon ng isang Filipino-Canadian filmmaker. Sa South Korea naman gagawin ang isa pang pelikula kung saan may makakasamang Korean actors si Glaiza.

Malaki ang pasasalamat ni Glaiza na mabigyan ng ganitong oportunidad abroad kaya naman excited na rin siyang gawin ang mga ito.

"Siyempre honored din po ako na i-represent 'yung Philippines through movies, through films," pahayag ni Glaiza.

"Excited na ako na gawin 'tong pelikula na 'to kasi another challenge, another assignment," dagdag pa ng aktres.

Samantala, mapapanood si Glaiza bilang si Maita sa upcoming GMA series na Nagbabagang Luha.

Abangan ang world premiere ng Nagbabagang Luha sa August 2.

Panoorin ang buong 24 Oras report sa ibaba:

Samantala, tingnan ang lock-in taping ng Nagbabagang Luha sa gallery sa ibaba: